POV sana to ni Evan eh kaso baka sapakin nyo na hahaha lol next time na lang sya
—
Desiree Larrson Smith
Pag mulat ko ng mata ay agad ko naramdaman yong sakit sa kaliwang braso ko. Napaigik ako nang ginalaw ko ito. Sinilip ko ito at nakita kong nangingitim.
Napalunok ako nang makita kong suot ko pa rin yong bistida na suot ko kahapon. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko yong nangyari kagabi bago ako hinatak nang antok.
Hindi ko magawang hawakan si Evan. Parang nag liliyab na sa init yong nararamdaman ko. Gusto ko abutin yong malambot nyang buhok. Gusto ko ilaro yon sa kamay ko. Pero di ko magawa, gawa nang pag hawak ni Evan nang mahigpit sa dalawa kong kamay sa taas ng ulo ko.
"E-Evan..ahh" kinakagat ko ang labi ko para pigilan ang pag ungol ko pero parang wala ding saysay.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay nya sa ibabang bahagi ng katawan ko. Don sa parteng alam ko, once na mahawakan na ito ay talagang mapapaubaya na ako.
"E-Evan!" suway ko na naging ungol. Pababa kasi ng pababa ang ulo nya sakin.
Naririnig ko na rin ang mabibigat nyang pag hinga. Parehas na kaming nawawala sa sarili. Naka-max ang aircon dito pero kapwa't parehas kaming tagaktak sa pawis.
Hindi ko alam pero nababaliw na ata ako dahil sobrang gumagwapo sa paningin ko si Evan sa dim na light sa loob ng kwarto namin.
Nadadala na ang mata ko at napapaawang na rin ang mga labi ko. Gustong gusto ko syang hawakan. Gustong gusto ko sya yakapin. Siguro ang mang-yayari na ito ang pinaka masayang pangyayaring magaganap sa buhay mag asawa ko.
Bigla ako nabalik sa wisyo nang mabilis na tumayo si Evan. Hingal hingal itong tumayo. Ako naman parang binuhusan ng malamig at nanginginig na lang na binaba ko ang hem ng bistida ko.
Napahugot ako ng hangin nang mag tama ang mata ni Evan na kapwa't nadadala na sa init nang nararamdaman namin. Nag iwas sya ng tingin sakin.
"E-Evan.."
Bigla ito lumingon sakin. Nagulat ako nang sinalubong ako nang malamig nyang titig. "Hindi ako pumapatol sa maduming babae.."
Parang may nag bara sa lalamunan ko at hindi ako makapag salita. Tumalikod na ito sakin at malakas na sinarado ang pinto.
Hindi ko alam na sunod sunod na pala bumabagsak ang luha ko nang bumalik ako sa reyalidad. Kagabi gustong gusto ko ipag tanggol ang sarili ko pero nawawalan ako nang lakas pag lumalapit sya sakin at tinititigan ako nang nag babagsik nyang mata.
Bumuntong hininga ako at agad na pinunasan ang luha ko saka tumayo. Kahit masakit ang kaliwa kong braso ay sinikap ko mag iduling pag katapos at nag diretso na sa cr para maligo. Nag bihis na lang ako ng daster yong mga nagawian kong suotin dahil dito lang ako sa bahay.
Sabi nga ni Evan..hindi na nya ako papalabasin dito hangga't hindi ako nag papaalam. Gusto ko umapela at ibalik sakanya na bakit sya?
Ngayon ko nakita ng malinaw yong pasta ko sa braso. Napakagat ako ng labi nang litaw na litaw ang itim nito sa maputi kong balat. Siguro hihingi na lang ako nang yelo kay Hana.
Bumaba na ako at wala sa sariling nag diretso sa kusina. Walang Hana ang sumalubong sakin doon. Parang mas lalo ako nalungkot. Nasanay na kasi ako na nakangiti at napakadaldal na Hana ang sumasalubong sakin tuwing umaga.
Kaya ako na mismo ang kumuha ng yelo at binalot sa isang damit. Naupo ako saka dinampi dampi ito sa pasa ko. Napapasinghap ako sa sakit sa every pisil ko ng yelo sa pasa ko.
All of my life ngayon lang ako nag karoon ng pasa. Hindi ako nakaranas nang ganito kina Mom and Dad. Pero siguro nga Kung ano kinaswerte mo sa magulang mo, yon naman ata kinamalas ko sa asawa ko.
But no.. may tiwala pa rin ako kay Evan.
Tumingin ako sa wall clock. Malapit na mag lunch. Mag luluto na lang ako nang lunch namin ni Evan kahit...walang kasiguraduhang uuwi sya.
Nag hiwa na ako ng mga ingredients para sa sopas. Kahit masakit ang kaliwa kong braso ay pinipilit ko pa ring igalaw. Tinapos ko na lahat. Nag saing na rin ako ng kanin. Nang matapos na lahat lahat ay tumingin ako sa wall clock. 11:30 na. 30 mins na lang.
Sana dumating sya.
Tinapik tapik ko na lang yong daliri ko sa lamesa habang nag hihintay. Pero lumipas na ang isang oras hindi pa rin sya dumarating. Bumagsak na ang balikat ko. Sabagay umasa lang naman ako na uuwi sya kahit wala syang sinabi.
Umakyat na ako sa taas para mahiga. Wala naman na bago doon. Hihiga na sana ako nang tumunog ang phone ko sa side table.
Kumunot ang noo ko nang Unknown Number ito. Tinapat ko to sa tenga ko.
"Hija si Tito mo ito" napatayo ako nang mabuti nang Papa ni Evan pala ito
"Yes po Tito bakit po?"
Narinig kong bumuntong hininga ito "Andyan ba si Evan?"
Evan?
"A-ahm wala po Tito eh kanina pa po sya umalis.." nag aalangang sabi ko. Ayaw kong mabuko kami na hindi kami ayos ni Evan.
"Alam mo ba kung nasan sya nag punta?"
"Hindi po Tito eh. Bakit po?"
"Hindi kasi sya sumipot sa meeting kanina. Mahahalagang investors ito!" galit na galit si Tito
Napaisip na lang ako "Sabihin ko na lang po sainyo pag dumating sya" biglang may naalala ako "Wait lang Tito May number nya po ako dito bigay ko na lang po sainyo"
"Ayon salamat hija! Hindi kasi pinapaalam sakin ni Evan yong number nya"
Finorwad ko na kay Tito yong number ni Evan. Pag kababa ng tawag ay napabuntong hininga ako.
Nasan ka Evan..
Ayaw ko man isipin pero malakas ang kutob ko na mag kasama na naman sila ni Tania..
Hindi ko na napansin na lumipas na oras at yong sopas na niluto ko at lumamig na. Mag hahapon na hindi pa ako kumakain. Wala din akong gana kumain. Nawalan ang gutom ko nang tumawag si Tito at binalita iyon.
Napatayo ako nang nakarinig ako ng kotse na paparating. Kumabog na naman ang puso ko. Ito na naman ang nararamdaman ko, kinakabahan ako. Nakita kong bumukas ang pintuan ng kotse lumabas dito si Evan na kahit malayo ay kitang kita ko ang madilim nitong mukha.
Sinalakay ako nang kaba pero napailing iling na lang ako sa sarili ko. No baka mali naman ang naiisip ko Kaya nag lakad na ako pababa para salubungin sya.
Sakto namang pag bukas ng pintuan ay nakarating na ako sa harapan nya. Unti unti ako ngumiti nang mahinhin sakanya. Gusto ko Kahit ngayon sabay kami kumain.
"A-ah nag luto ako ng paborito mong sopas" nauutal kong sabi
"A-ahm" kinagat ko ang labi ko dahil nanginginig ito.
Hindi pa rin umiimik si Evan kaya kahit sobra ang nararamdaman ko ay nag taas ako ng tingin sakanya. Sinalubong ako nang nag yeyelo nyang mata. Sobrang cold.
Nag tagis ang ngipin nito "Gusto mo talagang ginagalit ako"
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ginagalit? "H-huh wala akong ginawa"
Mas lalong nagalit ang mga mata nya sakin at marahas na hinablot ang kaliwang braso ko na nag pahiyaw sakin sa sakit.
"A-ang sakit w-wag Evan"
Pero di nya ako pinansin dahil nanlisik lalo ang mata nya at hinila ko paakyat nang hagdanan. Halos makalakadkad na ako paakyat. Tuloy tuloy na rin ang pag bagsak ng mga luha ko.
"SINUNGALING!" sigaw nya na nag paiyak pa sakin lalo
Nasasaktan ako. Wala akong maalala na may ginawang kinagalit nya.
Tuloy tuloy pa rin ang pag harap nya sakin kung saang bahagi ng bahay namin. Lumalabo ang paningin ko sa mga luha ko na patuloy lumalabas.
"E-Evan patawad kung ano man y-yong nagawa ko. P-pero maniwala ka w-Wala akong ginawang masama—" hindi ko na natuloy ang pag mamakaawa ko dahil agad nya ako hinagis papasok sa isang room na walang kalaman laman na gamit.
"Pagdusahan mo lahat ng ginawa mo! Nag sumbong ka pa kay Dad ah?" ngumisi sya ng malademonyo na nAg payanig sa kaibuturan ko.
Hinawakan nya yong pintuan nanlaki ang mata ako at nanginginig na tumayo "N-no Evan! W-wag mo ako iwan d—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis na sinara ni Evan yong pintuan.
Nakadapa ako na nag lakad dahan dahan palapit sa pintuan. Di ko magalaw yong paa ko dahil sa siguro sa pag pilit sakin ni Evan na lumakad.
Napapahagulgol ako na inaabot ang seradura na parang pag naabot ko ito ay mabubuksan ko ito.
"M-Mom..D-Dad.." humahagulgol na tawag ko sa mga magulang ko.
Nahihirapang umupo ako at niyakap ang binti ko. Natatakot ako dahil sobrang dilim dito parang bakanteng kwarto na di na nagagamit. Kumakalam pa ang tyan ko. Pero hindi ko to pinansin kasi nakatulala na lang ako ngayon habang tahimik na umiiyak.
Ano ba ginawa ko. Bakit ang laki ng galit nya sakin.
**
Nagising ako nang tumama ang sikat ng araw sa namumugto kong mata. Gusto ko hilingin na sana panaginip lang yong nangyari kagabi pero hindi dahil andito pa rin ako sa kwarto na pinag kulungan sakin ni Evan.
Narinig kong may nag bubukas nang pintuan kaya nanghihinang lumingon ako dito. Hinihiling ko na sana si Evan ito pero si Hana ang niluwa nito.
Parang maiiyak itong nakatingin sa kabuuan ko. Magulo ang buhok ko. Nakikita pa rin yong pinag tuyuan ng luha ko at namumugto ang mata ko.
Pero ngumiti pa rin ako konti sakanya "H-hana si Evan.."
Hindi na nito napigilan at tuluyan na ito napaiyak at tumakbo sakin para yakapin. Napapikit ako. Para ako nag karoon ng kapatid.
"M-ma'am naman b-bakit si Sir Evan pa hinahanap mo! Tignan mo po yong itsura nyo.." humiwalay ito sakin at pinasadahan muli ang kabuuan ko. Kitang kita ko ang awa nito sa mata nya
"S-sumunod ka na lang sakin. K-kamusta si Evan.."
Mas lalo sya napaiyak sa tanong ko. Alam kong awang awa na sya sakin. Pero May gusto lang ako marinig mula sakanya..
"Hana.."
Pinunasan nito ang luha sa pisngi nya "U-umalis na po sinundo po sya ni M-ma'am Tania.."
Napatulala na lang ako sa sinabi ni Hana. Gusto ko mag salita pero May nakabara sa lalamunan ko. Ngumiti na lang ako ng mapait. Mas masakit pa ata yong nalaman ko kaysa sa sakit ng katawan ko ngayon.
Tinulungan ako ni Hana na tumayo at mag lakad papunta sa kwarto namin ni Evan. Dahan dahan na nahiga ako don. Umalis saglit si Hana para kumuha nang niluto nyang umagahan at planggana.
"Ma'am kumain na po kayo.." napalingon ako kay Hana na inabot sakin ang pagkain.
Kukuhain ko sana ito nang di tumatagal ang kaliwa kong kamay sa pag abot. Kaya pinalitan ko ito. Inangat ko na ang kanan kong kamay. Nilayo bigla ni Hana ang pag kain.
"Ako na lang po ma'am"
Mag sasalita sana ako nang makita ko ang papaiyak na Naha sakin. Kaya binuka ko na ang bibig ko para kumain. Sinubuan ako ni Hana. Napapangiti na lang ako.
"M-ma'am wala po ba kayong balak na hiwalayan si Sir Evan?"
Napahinto ako sa pag nguya sa tanong ni Hana. Hiwalayan? Hindi sumasagi sa isip ko na gawin yon. Martyr na kung martyr pero hindi ko kayang sukuan si Evan.
This is just a part of marriage..
Tipid akong ngumiti dito "Hindi ko magagawa yon Hana. Mahal ko si Evan. Mahal na mahal.."
Nang natapos na ako pakainin ni Hana ay nag pasalamat ako dito at nag desisyon na matulog muna. Sobrang bigat ng katawan ko. Hindi ko kaya magalaw ang katawan ko. Nangawit sa pag tulog ko na nakaupo.
Pinikit ko na lang ang mata ko at hinayaan ang sarili na mag patangay sa antok.
Buong araw na nakaratay ang katawan ko sa kama. Dinadalhan ako ni Naha ng pag kain lalo na ng tubig. Kumukuha din sya ng yelo para itapat tapat sa pasa ko. Lalo na sa pasa ko sa kaliwang braso ko na mas lalo nangitim. Meron din ako mga sugat sa tuhod at paa. Uminom lang ako ng maraming tubig dahil sa tingin ko iyon ang kailangan ng katawan ko ngayon. Pero May kailangan ang puso ko ngayon. Ang makita sya..
Kinabukasan ay nararamdaman ko na ang kaunting ginhawa sa katawan ko. Tumayo na ako para maligo. Nailalakad ko na nang maayos yong paa ko. Pero di ko mapigilan mapa-aray dahil sa mga sugat ko sa bandang tuhod at binti na nag hihilom.
Pag katapos ko maligo ay hubot hubad akong humarap sa malaking salamin dito sa walk in closet. Para akong naawa sa sarili ko.
Nakikita ko ngayon ang babaeng daming sugat sa tuhod, na may nangingitim na pasa sa kaliwang braso at ang namumugtong mata nito.
Napahinga ako ng malalim at nag iwas na lang ng tingin saka nag bihis na ng daster na palagi ko sinusuot.
Bumaba na rin ako para tulungan si Hana sa pag luluto ng breakfast namin. Nag tuloy tuloy akong nag lakad sa kitchen. Napangiti ako nang makita ko si Hana na nAg luluto. Napalingon ito sakin
"Hala ma'am bakit tumayo na po kayo? Hindi na po ba masakit yong katawan mo?" sunod sunod na tanong ni Hana
Umiling ako at ngumiti "Kunti na lang. Gusto kita tulungan" sabi ko sabay silip sa niluluto nitong omelette
Bumalik ang tingin ko sakanya at kumunot ang noo ko nang nanlalaki ang mata nito na may tinitignan sa likod ko. Nag tataka rin na dahan dahan na nilingon ko ang tinitignan nya sa likod ko.
Halos mapasinghap ako nang bumungad sakin si Evan na nasa hamba ng pintuan. Wala akong mabasang expression sa mga mata nya. Pero masasabi kong diretso lang ito nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa paper bag na hawak nito. Pumikit ako saka bumaling ang tingin sakanya.
Napansin kong napatingin sya sa kaliwang braso ko na nangingitim. Bigla ito tumikhim na nag paigta sakin. Grabe talaga ang epekto sakin ni Evan.
"Sundan mo ako sa sala"
Bubuka ko pa lang sana yong bibig ko para mag salita nang agad ako nito talikuran at nag lakad na papunta sa sala.
What was that?
"M-ma'am ako na po rito. Sundan nyo na lang po si Sir Evan" puna sakin ni Hana. Tumingin ako dito saka tipid na ngumiti. Nanginginig naman na binaba ko ang plato sa mesa.
Huminga ako nang malalim at nag lakad na papunta sa sala. Kita ko pa lang ang likod nya hindi ko na mapigilan na panghinaan. Kita ko ang flex ng muscles nya sa braso sa ginagawa nito. Nakasuot pa rin ito ng corporate attire. Bakit sya umuwi?
Dahan dahan na lumapit ako sakanya. Naramdaman nya naman ako kaya napatingin sya sakin.
"Sit"
Parang robot na sumunod ako sakanya. Don ako sa kabilang sofa naupo sa katapat nya. Napatingin ako sa paper bag na ngayon ay nakabukas na at yong mga laman ay naka latag na sa mesa sa gitna.
Parang tumalon ang puso ko nang marecognize ko ang mga ito. Ointment, bandage, betadine at ano pang mga panggamot. I bit my lip. Para sakin ba yan?
Tumikhim ito bigla na nag patingin sakanya. Cold itong tumingin sakin "Dito ka umupo sa tabi ko"
Sa sinabi nya parang may sumabog na fireworks sa tyan ko. Automatic na nag lakad ako at lumipat sa tabi nya.
Napapalunok ako dahil tagus tagusan syang nakatingin sakin. Bumibilis ang t***k mg puso ko.
"Ipatong mo sa lap ko yong paa mo"
Hindi na ako nag alinlangan pa. Dahan dahan na tinaas ko ang paa ko sa lap nya. Natatakpan pa ito ng daster. Alam kong pansin nya ang panginginig ko.
Napasinghap ako nang pinatong nya ang mainit nyang isang kamay sa binti ko sabay yong isa ay dahan dahan na tinataas ang hem ng daster ko. Bakit napakasuyo ng pag taas nya.
Bumungad sakanya ang mga sugat ko dahil sa nangyari kagabi. Napakagat na rin ako ng labi dahil ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mga sugat ko.
Pansin ko rin na matiim na nakatitig dito si Evan. Hindi ko mabasa ang mga mata nya. Walang nag sasalita sakin, tanging pag hinga lang namin ang naririnig. Narinig ko rin ang pag bukas nya sa betadine. Kumuha ito ng bulak at bumuhos dito.
"A-aray.." sabi ko nang nag sisimula na sya idampi dampi ito. Masakit pag dinadampi dampi.
Tumigil ito at liningon ako. Para namang bigla ako naging pusa sa tingin nya na madilim. Napalunok ako at napakagat na lang ng labi.
At Pinag patuloy na nya ito. Hindi na ako napapatingin sa sugat ko dahil nakatitig lang ako kay Evan na seryosong ginagamot ang mga sugat ko. Parang hinaplos ang puso ko sa ginagawa nya. Gustong gusto ko sya kausapin dahil ngayon na lang kami nag kalapit na walang sakitang nangyayari.