Desiree Larrson Smith
Huminto na ang sasakyan, hudyat na andito na kami sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako sa bahay namin. Napangiti ako dahil napaka-simple lang nito. Bagay na bagay lang sa isang simpleng pamilya.
Napatingin ako kay Evan na tuloy tuloy pumasok sa loob na walang pasabi sakin. Napayuko na lang ako saglit. Sabagay sino nga ba ako? I maybe his wife but never be his love one.
Buong byahe tahimik lang kami. Kahit ako, ayaw ko mag salita o mag tanong pa sakanya. Parang nadala na ako sa nangyari kanina sa elevator. Saka ang sakit ng panga ko pati na rin yong mata ko kakaiyak.
Pag pasok ko ng bahay ay nakita ko na si Evan na nakahiga sa sofa. Bakit sya andyan? Lumunok ako at dahan dahang lumapit dito.
Nang nag pantay na kami. Don ko lang sya napag masdan. Ang bilis nya makatulog. Siguro napagod sya. Nakatakip yong braso nya sa nuo nya. Bahagya pa nakabukas ang labi nya. Namula ako nang napatulala ako sa mapupula nyang labi. Agad ako nag iwas ng tingin.
Nag lakad na lang ako pataas papunta sa master bedroom. Pumasok na ako dito at laglag balikat na nag tungo sa kama nito. Nahiga na ako agad. Napapikit ako nang mag lapat ang katawan ko sa kama. Parang don ko lang na-relax yong katawan ko.
Narelax sa lahat nang nangyari sa araw na to lalo na yong nangyari sa elevator. Kumirot na naman ang dibdib ko. Naalala ko kasi yong sinabi nya sakin sa elevator. I bit my lip
Ganon nya ba talaga kamahal si Tania? Ano ba ako dito. Isa ba akong kontrabida sa love story nila. Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang ngayon, nakakulong na ako. Nakakulong na ako sa galit ni Evan sakin.
**
Nagising ako sa maingay na pag tunog ng cellphone ko. Pungas pungas na matang inabot ko ito sa side table. Without checking who's calling, sinagot ko ito.
"Hello.." namamaos kong sabi
"Good morning bes!" Oh si Vivoree pala ito
Tumayo na ako nang makita kong alas-7 na nang umaga. Inayos ko ang pinag higaan ko habang nakaipit ang cellphone ko sa tenga ko.
"Kamusta ang first night nyo naman ni Devil Evan"
Sa sinabi ni Vivoree nabitawan ko yong comforter at dali daling tinignan yong daliri ko na may sing sing. Confirmed! Totoo pala lahat nang nangyari kagabi kala ko panaginip lang. Kung kasal na kami ni Evan ibig sabihin...
"Hala Vivoree ibaba ko muna tong tawag ah? Pag luluto ko pa pala si Evan" nag mamadali na sabi ko
"Huh? Wag mo na ipag luto yan. Hayaan mo sya mamatay sa gutom!"
Hindi ko pinansin yong sinabi ni Vivoree dahil sanay na ako dito. Pero this is our first day! Unang araw ng buhay mag asawa dapat pag lutuan ko sya. Sana di pa sya nagigising sa kinatutulugan nya sa sofa.
Napangiti ako nang mapait ng mas pinili nya matulog sa sofa kaysa tabihan ako. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Uy bes joke lang ah? Pero some jokes are half meant! Charrot" tumawa ito sa kabilang linya.
Napailing iling na lang ako sa mga sinasabi nya "Loko ka talaga. Osya baba ko na ito ah?"
"Oo na! Ipag papalit mo na ako sa devil mong asawa hmp!" nag tatampo na sabi nito.
Tumawa ako "Babawi ako promise"
"Promise?"
Pinipigilan ko ngumiti dahil na-i-imagine ko yong itsura ni Vivoree ngayon na nag papa-cute na parang pusa.
"Yep! Samgyupsal tayo" pag kasabi ko nito at napalayo ako kaagad ng phone sa tenga ko kasi bigla ito tumili.
"Omg bes! Really talaga yan ah? O sige na enjoy!" pag papaalam nito habang ngumingisi ngisi. Nag paalam na rin ako saka binaba yong tawag. Nilagay ko yong phone ko sa side table saka nag mamadaling lumabas na ng kwarto.
Nae-excite ako na lutuan sya. Ang sarap siguro sa pakiramdam na kainin nya yong luto ko para sakanya. Since alam ko favorite food nya at iyon ay sopas. Napag desisyonan ko na yon na lang ang lutuin ko. Sabi nga nina Mom and Dad masarap ako mag luto. Lalo pa at graduate ako ng BSHRM.
Wala na ako pakialam kung nakapadjama lang ako. Siguro naman hindi pa ito gising dahil anong oras na rin kami nakauwi. Nakangiti akong bumababa mula sa hagdan nang nagtaas ako ng tingin sa sofa Kung saan sya natulog kagabi.
Napawi ang ngiti ko nang nakita kong walang Evan ang nakahiga doon. Kinagat ko ang labi ko. Mas maaga ba syang nagising sakin.
"Ma'am gising na po pala kayo"
Napalingon ako sa boses na yon. At nakita ko ang isang maid na nakangiti sakin. Kalalabas lang nito galing sa kitchen.
Bakit kami may maid? Hindi naman sa ayaw kong May katulong pero...mas gusto ko kasi na ako lang ang gumagalaw sa bahay. Yong tipong ramdam ko talaga ang pagiging housewife.
Nag lakad ako palapit dito "Kagabi pa po ba kayo andito?"
"Hindi po Ma'am. Kakatawag lang po sakin ni Sir Evan. Kakaalis lang po pala nya"
"S-si Evan ang nag papunta sayo dito?" nanginginig na tanong ko. Mabilis ito tumango
"Yes po ma'am!"
"A-ah okay.." napatingin na lang ako sa kawalan. Gusto ko tawagan si Evan at tanungin bakit kailangan pa ng katulong. Ganon ba sya kawalan ng tiwala sakin..
Nanlalambot ang binti ko na bumalik sa taas at pumasok sa kwarto ko. Tulalang napaupo ako sa kama. Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko na to pinunasan. Ako lang naman ang nakakaalam.
Tumunog na naman ang phone ko. Agad na kinuha ko ito at di na nag abalang tignan kung sino ang tumatawag. It's probably Vivoree or Mom and Dad.
Tinapat ko na ito sa tenga ko.
"Mawawala ako ng ilang linggo. Conference meeting" nanlaki agad ang mata ko nang marinig ko ang madilim na boses ni Evan sa kabilang linya
"E-evan.." pag kasabi ko ay kasabay nang pag tunog ng phone ibig sabihin binaba na agad ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako saka tumingin sa lapag. Lahat ng excitement kanina bigla nag laho. Simula nang malaman kong may kasama kami sa bahay. And last yong mawawala sya ng ilang linggo dahil sa conference meeting nila. Paano ko ma paparamdam sakanya na asawa nya ako. Atsaka diba..bigla ako namula..may honeymoon pa
Umiling iling na lang ako sa sarili ko at nag tungo na sa cr para maligo. After non nag punta ako sa walk in closet. Andon na yong mga damit ko, talagang si mama ang nag ayos nyon. Hindi ako nag susuot ng shorts. Mas sanay ako mag suot ng mga dress, daster, or summer dress. Since nasa bahay lang ako. Sinuot ko ay daster.
Wala itong manggas o ano. Para itong tube na tanging tali lang na nakapalupot sa leeg ko ang gabay nito. Medyo kita ang hubog ng dibdib ko dito. Pero okay na ako dito kaysa mag suot nang mai-ikling shorts.
Nag dala ako ng libro at pumunta sa mini garden dito. Naupo ako sa bench doon. Mahangin at malilim lang dito kaya nakakarelax mag lagi dito. Nakakatanggal din nang problema.
I'm a nature lover
Siguro next time pag nag kita ulit kami nina Mom and Dad at Tita and Tito lulutuan ko sila kasi sila ang pumili nito para samin and I like it so much!
Nakaramdam na ako ng gutom kaya nag diretso na ako sa kitchen. Andon na yong maid namin na nag luluto. Lumapit ako don.
"Medyo damihan mo po ah. Sabay tayo kumain"
"H-ho? Naku ma'am wag na po nakakahiya p—" hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita.
Ngumiti ako sakanya "No. Atsaka wala rin ako kasama kumain eh. Please?"
Parang napatulala naman yong maid sa ginawa ko. Nahihiyang ngumiti ako sakanya at kumuha na ng mga plato at baso para ilatag sa lamesa.
"Alam nyo ma'am ang swerte sainyo ni Sir Evan.."
Medyo napahinto ako sa sinabi nya. Peke akong ngumiti sakanya "Talaga?"
Mabilis ito tumango "Opo ma'am! Yon kasing si Ma'am Tania ang taray taray, akala mo sakanya yong mansion nina Sir Evan"
Ibig sabihin nag lalagi si Tania sa mansion nina Evan. Bumuntong hininga ako. Sabagay sino nga ba ako sakanya.
Pag kaluto ng sinigang ay inihain na yon ng maid. Nag sandok na rin kami ng kanin. Sa kalagitnaan ng pag kain namin parang May gusto ako itanong sakanya kahit nakakaramdam ako ng selos.
Binaba ko ang kobyertos saka tumingin sa maid namin. Pansin ko na parang bata pa lang sya, nasa 20 years old. College student?
"Anyway what's your name?"
Tumigil naman ito sa pag subo at nag angat nang tingin sakin habang nakangiti "Hana po ma'am"
"College student?"
"Opo ma'am BEED po. Working student kumbaga. Sa gabi po ako pumapasok then pag umaga nag tratrabaho po kina Sir Evan"
Elementary education pala kinukuha nito. Ngumiti ako sakanya "Ahm pwede mag tanong?"
"Sure po ma'am!"
Lumunok muna ako "Mag kasama ba palagi sina Tania at E-Evan sa mansion nila?"
"Nako Opo ma'am! Dakilang linta po yong Ma'am Tania na yon Kaya di na po ako mag tataka na pati sa kwarto mag kasama sila"
Parang nag sisi akong nag tanong pa ako kay Hana. Hindi ko pala kaya marinig yong mga ganyan between kina Tania and Evan.
Pag katapos namin kumain ay sinabi ko na kay Hana maaga na sya mag off sa trabaho. Ala-una pa lang naman kaya mahaba pa ang oras nya na dapat na nakatuon lang sa pag aaral nya. Mahirap maging working student lalo na't panggabi pa sya. Hindi ko to naranasan pero mataas ang hanga ko sakanila.
Nakahiga na ako dito sa kama at hanggang ngayon paulit ulit ko naririnig sa isipan ko yong mga kwento ni Hana sakin. Hindi ko mapigilan na hindi mag selos lalo na pag naiisip ko na nag s-solo sila. Sabagay ng mamahalan sila. Normal na sakanila yon. Ako lang ang May problema. Nag seselos ako. At di ko mapigilan na di masaktan.
**
Lumipas ang ilang linggo wala pa ring Evan ang dumarating. Kinakabahan na rin ako. Ayoko naman isipin na may nangyaring masama sakanya. At lalong ayaw ko mag tanong kina Tito and Tita. Mag asawa na kami.
Tumingin ako ulit sa cellphone ko na Kung saan May nag f-flash na name ni Evan. Nag r-ring ito pero nasasaktan ako nang nagiging linya na lang ito.
I bit my lip. Pinapatay nya. Nasa meeting pa rin ba sya? Pero kahit na sana nasa meeting sya, magawa nyang sagutin saglit yong tawag ko. Nag aalala din ako. Ganon ba ako kawalan ng kwenta sakanya? At 3 weeks na syang wala sa bahay.
"Ma'am may tao po sa sala. Best friend nyo daw po"
Napatunghay ako sa sinabi ni Hana. Pinusan ko muna yong luha na namumuo na naman. Napangiti ako ng mapait. Palagi na lang ako umiiyak..
Tumayo na ako at nang makarating ako sa sala ay nakita ko kaagad si Vivoree na naka-ngiting kumakaway sakin. Pero agad din napawi ang ngiti nito nang pinasadahan nya ako.
"Bakit parang namutla ka best? Yong tipong hindi ka naarawan. Asan ba yong asawa mo?" nakataas ang kilay nito sakin.
Kinagat ko ang labi ko at umiling "Conference meeting lang"
Hindi ko na sinabi na ilang linggo na wala baka mamaya umabot pa ito kina Mom and Dad at ayaw ko yon. Kaya ko to ayusin mag isa.
"Napadalaw ka pala dito Vivoree" napaupo na ako sa tabi nya.
Umirap naman ito sakin "Duh. Best nakalimutan mo ata na mag s-samgyupsal tayo. Jusko!"
Oo nga pala ngayon pala kami aalis. Gusto ko pagalitan yong sarili ko at nawawala ako sa sarili. Andami ko na nakakalimutan dahil naka tuon lang ang atensyon ko kay Evan na hindi pa dumarating.
"H-hindi ko nakalimutan syempre. Sige pala mag bihis lang ako saglit ah?" palusot ko at tumalikod na sakanya
"Best okay ka lang ba?"
May kung anong nag bara sa lalamunan ko. No hindi ko sasabihin.
"H-huh? Oo okay lang ako Vivoree" ngumiti ako sakanya as a sign na okay lang ako
Di ko na sya hinintay pa mag salita at nag diretso na ako sa kwarto para mag palit na ng damit. Nag bistida ako yong mga palagi ko ginagamit pang labas. Ngumiti ako ng mapait sa salamin.
Pag katapos ay sabay na kami pumasok sa kotse nya. Nag kwentuhan din kami. Actually sya lang ang nag sasalita. Tahimik lang talaga akong tao. Sya ang madaldal saming dalawa.
"Alam mo best minsan sumama ka sakin don sa sinasabi kong Resto Bar ang gagaling ng mga nag g-gig doon"
Bar? Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganon kahit Resto Bar. Hindi ko lang tipo.
"Alam mo naman hindi ako nag pupunta don Vivoree"
"I know best. Pero hindi naman to katulad ng Bar na naiisip mo. Walang halikan na nagaganap don. Puro kantahan lang. Atsaka kahit di mo naman sabihin. Kinukulong ka ni Devil Evan sa bahay nyo!" mahabang litanya ni Vivoree
Bumuntong hininga na lang ako. Tama rin naman sya. Nag kukulong lang ako sa bahay. Kahit naman nung hindi pa ako kasal, taong bahay lang ako.
"Sige. Next time mag paalam muna ako kay Evan"
Umikot naman ang mata nito nang banggitin ko ang pangalan ni Evan. Ayaw na ayaw nya talaga dito. Nakarating na kami sa Korean Restaurant na lagi namin pinag kakainan. Kahit nung high school and college pa kami dito na kami kumakain.
"Jusko! Namiss ko tumambay dito nung college pa tayo best!" masayang sabi ni Vivoree. Sumigaw pa ito kaya napapatingin sakanya yong mga kumakain. Nag peace na lang ito saka humagikgik na nag punta sa lagi naming pwesto sa tabi ng bintana.
Napailing iling na lang ako sa ginawa ni Vivoree "Ako na mag order ah? Basta sayo ang bayad" hagikgik nito
"Oo na!" tumawa na din ako sakanya. Nag paalam na ito at nag punta sa counter para mag order ng Samgyupsal our favorite.
Marami na rin pala ang naiba sa Korean Restaurant na ito. Maliit lang ito dati pero dahil marami silang costumer at sumisikat sila medyo lumaki ito. Nakita ko pa na May extension sila sa dulo. Nakikita ko ang extension nila dahil malapit ito sa bintana.
Dumadami na rin yong mga tao. Kaya medyo natagalan si Vivoree na mag order. Nang dumating siya ay kasabay na nyong mga waiter na nag lalagay ng mga putahe for Samgyupsal.
Kumain na kami ni Vivoree. Nag kwentuhan. Karamihan don mga karanasan namin nung college at high school.
Tumatawa ito habang kumakain "Diba nahulog ka pa sa kanal dahil nag lalakad kang nakatulala kay Devil Evan! Hahaha shunga mo best!"
Natatawa na lang ako sa mga kinukwento nya.
"Atsaka hindi ka nag papaligaw dahil si Evan lang ang sasagutin mo Kahit hindi ka naman nililigawan. Ganon ka baliw sakanya! Well hanggang ngayon naman no"
Umiling iling ako sakanya "Pano naman nyong nag labas ka nang mabahong hangin sa harap ng crush mo?"
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Tumawa ako nang maalala ko yon.
"Bad mo best! Kinakalimutan ko na nga yon eh!" maktol nya sakin
Tumawa na lang ako saka pinag patuloy ang pag kain namin. In the end naubos namin lahat kaya syempre ako ang manlilibre. Binigay ko na yong credit card don sa waiter at in-swipe. After non tumayo na kami. Alas 4 na rin kasi kailan ko na umuwi dahil siguradong aalis na si Hana.
Pinatunog na ni Vivoree yong kotse nya pag karating namin sa parking area
"Grabe nabusog ako! Work out na naman ako nito bukas"
Sumakay na ako sa kotse pati sya. Kinuha ko ang bag ko para tignan Kung nag text or tumawag man si Evan sakin. Kumunot ang noo ko nang nakita kong wala doon ang phone ko.
Asan yong phone ko?
Mukhang napansin ako ni Vivoree "Bakit anong nangyari best?"
"Yong phone ko naiwan ko ata sa loob wait kunin ko lang" sabi ko saka lumabas na sa kotse
Nag lakad na ako papunta don sa pwesto namin. At para namang nabunutan ako ng tinik nang makita ko itong naiwan sa upuan. Kinuha ko ito at nag lakad na palabas habang chinicheck kung May text si Evan pero wala.
Nalungkot na naman ako. Kailan ba sya uuwi?
Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya di ko alam na may sasalubong sakin. Nag kabungguan kami ng taong nasa harap ko.
"A-ah sorry po" yuko dahil muntik na ako ma-out balance sa suot kong heels.
Hindi nag salita yong nakabungguan ko Kaya nakayuko na lang ako na nag punta sa pintuan nang may narinig akong nag salita.
"Evan honey! Uuwi ka na ba talaga mamaya? Hindi pwedeng extend ng one month" hagikgik boses babae
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at nag sisimula na nanginginig ang katawan ko. Hindi ako tanga. Kilala ko.. kilala ko yong nakabangga ko. It's him. My husband
Sobrang bigat na ng dibdib ko kaya nanginginig na binuksan ko ang pintuan at mabilis na lumabas. Halos matipalok ako sa bilis ng lakad ko papasok sa sasakyan ni Vivoree.
"Nakita mo?"
"A-ah Oo nakita ko.." yong asawa ko na kasama ang girlfriend nya
Nag kwento na ulit si Vivoree. Tumatango na lang ako. Ayaw ko mag salita baka kasi bigla tumulo yong luha sa mga mata ko. Kaya nang nakarating na kami sa bahay ay mabilis ako nag paalam kay Vivoree saka nAg lakad takbo papasok sa loob.
Pag sarado ko ng pinto ng kwarto saka ako napahagulgol. Dahan dahan ako napapa-upo. Yumuyugyog ang balikat ko sa pag-iyak ko. Sobrang sakit..
Sobrang sakit. Wala pala syang conference meeting. Yong tatlong linggo na yon andon lang pala sya kasama si Tania. Masaya sila mag kasama at ako halos di na Kumain kakaisip sakanya.
Napahagulgol ako lalo. Sumasakit ng sumasakit ang dibdib ko. Lalo na at ramdam na ramdam ko sila na mag kasama kanina. Mas lalo pala ang sakit pag naramdaman mo na sila mag kasama. Mild lang pala yong sakit pag sa kwento lang. Yon salita lang pero ito mismo mata mo na..
"What the f**k Desiree! Buksan mo tong pintuan!" napatalon ako nang kumabog ng kabog ang pintuan ko
Sinalakay ako agad ng takot nang marinig ko ang galit na galit na boses ni Evan.
"Buksan mo to b***h! Wag mo hintayin na ako ang sisira dito!"
Mas lalo ako natakot sa sinabi nya. Naiiyak ako sa takot. Anong ginawa ko? Bakit galit sya sakin? Ayaw nya ba ako makita ng girlfriend nya? Humagulgol na naman ako.
Napatalon ako nang bumukas ito at niluwa nito ang nag hahabol hininga na Evan at nanlilisik ang mata na nakatingin sakin. Walang pasabi ay malalaki ang hakbang na nag punta sya sakin at marahas na hinablot ang braso ko.
"E-Evan!" ang sakit kasi nang pag hablot nya pero Wala syang pakialam sa pag sabi ko.
"Bakit lumabas ka? Pinayagan ba kita na lumabas labas ka? Hah?!" dumiin pa lalo ang hawak nya sa braso ko. Naiiyak na naman ako
"B-bakit kasama mo sya k-kala ko ba—"
"Wala kang pakialam kung sino ang sasamahan ko! Eh ikaw bakit ka lumabas? Nag hahanap ka ng lalake mo? Siguro araw araw ka nag dadas ng lalake dito ano?!"
Napanganga ako sa sinabi nya. Mas lalo ako naiyak sa sinabi nya
"N-no hindi ako lumalabas k-kanina lang—"
Hindi na nya ako pinatapos dahil tinulak nya ako sa kama at dinaganan. Sinalakay na naman ako ng kaba.
"Hindi ka lang madumi sinungaling ka pa!" mas lalo nandilim ang boses nya bigla nya hinawakan ang dibdib ko.
"E-Evan wag!"
Hindi nya ako pinakinggan. Hinalikan nya pa ako sa leeg habang ginagala ang kamay nya sa loob ng bistida ko. Naiiyak ako lalo. Wala akong maramdaman na love.
"Iiyak iyak ka pa! Eh Hindi ka na baguhan dito b***h!"
Napapapikit ako. Bigla nag bago ang galaw ng kamay nya. Biglang bumagal ang pag galaw ng kamay nya sa dibdib ko.
"E-evan.."
Naramdaman kong tumigil si Evan kaya napamulat ako. Kagat labi na sinalubong ko ang nag liliyab sa apoy na mata nya.
"Yeah. That's right moan my name wife. Simula ngayon hindi ka na makakalabas hangga't di ka nag papaalam sakin"
Napalunok ako sa sinabi nya. Hindi na ako makapag salita dahil nag iiba na ang nararamdaman ko ngayon. Bahala na. Susunod na lang ako sa agos nito.