Desiree Larrson Smith
"Congratulation to you Mrs. Smith!" bati sakin ng mga bisita namin. Tapos na kasi ang kasal at isa sa mga five star hotel nina Evan ginanap ang reception.
Ngumiti ako sakanila "Kumain na po kayo don"
Kanina pa ako palakad lakad dito at nililibot ang paningin. Lahat ng tao ay busy sakani-kanilang gawain. Nakita ko rin sina Mom and Dad na masaya nakikipag kwentuhan kina Tito and Tita. Muli hinanap ko na naman ang taong kanina ko pa hinahanap. Si Evan..
After kasi ng kasal hindi sya sumabay sakin dahil bigla na lang ito umalis. Tanggap ko namang ayaw nya sakin. Pero hindi naman sa araw na ito na kailangan ko sya.
Hanggang ngayon andito pa rin yong kaba sa dibdib ko sa sinabi nya kanina. Should I prepare myself?
"Uy bes ano ginagawa mo dyan? Dapat andon ka lang nakaupo" turo nya sa gitna na parang mini stage at may dalawang upuan.
"Hindi pa rin bumabalik yong asawa mo?" tanong nito na kinailing ko.
Hindi ako makasagot o makatingin sakanya. Baka kasi makita nya yong takot at kaba sa mata ko at madulas akong masabi sakanya ang sinabi ni Evan sakin kanina.
Mukhang nakaramdam si Vivoree at tinignan ako nang seryoso.
"Ano sinabi ni Evan" seryoso ang boses nito dahil sa tono nya di ko maiwasang uminit ang sulok ng mata ko.
Pansin nya siguro na hindi ako makapag salita Kaya niyakap na lang nya ako. Ayaw ko umiyak sa harap nila. No. Walang makakakita ng iyak ko.
"Andito lang ako ah. Wag kang mag aalangang sabihin sakin" humiwalay ako sakanya at ngumiti sakanya.
Nag paalam na rin ito sakin dahil kanina pa raw sya nagugutom. Kailangan na nya kumain at baka daw mamatay syang virgin. Umiling iling na lang ako sa sinabi nya.
Bumalik ako sa pag hahanap kay Evan. Anong oras na din kasi. Mamaya ano nang nangyari sakanya. In the end lumapit na lang ako kina Mom and Dad.
"Oh hija Kumain ka na ba?" bungad ni Tita
"Hindi pa po Tita" magalang kong sagot
Nagulat naman ito sa sinagot ko. Ilang hours na din ang lumipas ng last ako kumain. Pero wala talaga akong gana kumain.
Naupo ako sa tabi ni Mom.
"Bakit? Asan ba si Evan?" tanong naman ngayon ni Tito
"Ahm hindi ko po kasi alam. Kanina pa po sya wala"
Kumunot ang noo nito sabay may tinignan sa phone nito na hindi ko alam. Humarap naman ako kina Mom and Dad.
"Mom after ba nito sainyo ako matutulog?"
"No sweetie. May bahay kayo ni Evan, doon na kayo maninirahan" ngiti ni Mom
Bigla ako na-excite sa sinabi ni Mom. Sa iisang bahay kami maninirahan ni Evan? Saan kaya sya matutulog? Dalawa kaya rooms don o isa lang?
Pinutol ni Tito ang pag uusap namin ni Mom.
"Hija puntahan mo si Evan sa 3rd floor room 301. Andon daw sya sabi ng secretary ko"
Andito lang pala sya sa hotel? Ibig sabihin mas nauna pa sya sakin. At ilang oras na sya andon?
"Puntahan mo na hija para makapag usap kayo ng kayo lang" ngiti ni Tita sakin na kinatango ko
Tumayo na ako at nag paalam sakanila. Nag lakad na ako papunta sa elevator at pinindot ang 3rd floor. Nasa rooftop kasi kami. And hanggang 8th floor itong hotel nila. Nakapag check in na rin kami ni Vivoree dito. Ang creepy lang ng elevator nila kasi pag pasok mo at pag sara ay may background music na akala mo nakakatakot. Kaya nakakapag takang andami pa rin chumi-check in dito.
Tumunog na ang elevator hudyat na andito na ako sa 3rd floor. Bumukas na ito at nag lakad na. Madali ko lang natuntun yong room 301. Pag kaharap ko sa pinto ng room 301. Sinalakay ako nang kaba. Hindi ko alam kung saan, siguro sa paraang kakausapin ko si Evan after nang sinabi nya sakin sa simbahan.
Atsaka sabi nila na may honeymoon after ng kasal.
Namula ako sa biglang pumasok sa utak ko.
Magagawa ba namin yon? I mean gagawin ba namin yon ngayon? Ngayong gabi? Kaya ba pilit ako pinapakiusap ni Tita kay Evan dahil honeymoon namin ngayon?
Biglang uminit ang paligid. I'm not naive. Nakita ko na yong katawan ni Evan nung accident ko syang nasilip na naliligo sa swimming pool nila. Pero di ko alam kung ano pakiramdam na makulong sa matitigas at malalaki nyang bisig.
Umiling ako bigla sa mga iniisip ko. Nandito ako para makipag usap at hindi isipin yang mga ganyang bagay.
Huminga ako nang malalim at inabot ang seradura. Pinihit ko ito luckily hindi sya naka-lock. Pumasok na ako sa loob. Bumungad sakin ang sala. Wala naman si Evan dito. Tama ba yong sinabi ni Tito?
Nilibot ko ang paningin ko. Maayos naman ito mukhang hindi pa nagagamit. Humakbang ako palapit sa sofa nang may naapakan akong tela. Pinulot ko ito at nang masilayan ng ilaw ay nanlaki ang mata ko.
Bakit may panty dito?
"Ohh..shit"
Nabitawan ko ang bagay na hawak ko dahil sa boses ng babae na yon. Kinakabahan ako. Hindi ako makalunok. Ayaw ko man isipin yong naisip ko. Kaya lumapit ako sa pintuan na medyo bukas.
Sa pag lapit ko ay mas naaanigan at nagiging malinaw sakin ang mga ungol at hininga na naririnig ko.
Tumapat ako sa bukas na part ng pinto at sumilip. Kusang nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko sa nakita ko. Ang sakit sobrang sakit na makita ang asawa mo na may kaniig na iba.
"Oh f**k Tania!" sigaw ni Evan at mabilis na gumalaw sa ibabaw ng babae na kaniig nya. Its his girlfriend..
Napapapikit na lang ako sa mga ungol at langitngit ng kama na kinapwestohan nila. Hindi ko kaya makita. Ito ba yong hell na sinasabi ni Evan kanina? Kasi kung hell na ito bakit parang mas malala pa ata don..
Nanlalabo ang mata ko na tumalikod at nanginginig kong hinakbang ang mga paa ko palabas ng room nila. Napaupo ako sa labas saka humagulgol.
It hurts to see your husband doing the honeymoon thingy with other girl that's supposed to be with you..
**
Mugto ang mata kong bumalik sa reception area. Dumiretso ako agad sa restroom para ayusin ang sarili. Feeling ko kasi nasira na yong make up ko kahit hindi masyado heavy ito.
Nag apply ako ng make up sa mukha ko. Yong hindi mag mumukhang galing sa iyak. Natigilan ako sa pag-a-apply sa mukha ko. Nakikita ko ngayon ang bride na hindi masaya. Now naiisip ko kung tama bang nag suot ako ng wedding gown.
Napayuko ako. No paninindigan ko ito. Susubukan ko. Susubukan kong mahalin nya ako pabalik.
After ko mag ayos ay nag lakad na ako palabas ng rest room. Muntik na ako atakihin sa puso nang sumalubong sakin sa harap ang matalim na titig ni Evan.
Muli, naalala ko na naman ang pag tataksil nya sakin. Uminit na naman ang sulok ng mata ko.
Ngunit tumigil ito nang walang salitang salitang lumapit ito sakin at marahas na hinawakan ako sa braso.
"A-aray!" napa-igik ako sa paraan nang pahawak nya sa braso ko. Sobrang diin.
Nag aalab sa galit ang mga mata nito
"I know that you saw us inside my room" mahinang bulong nito ngunit may diin
Alam nya na nakita ko? Pero bakit...hindi ko man makita sa mata nya ang konsensya
"B-bakit mo ginawa sa--"
"SHUT THE f**k UP!" pag kasigaw nya ay hinablot nya ako ng marahas papunta sa isang storage room. Pumasok kami don at malakas na sinara ang pintuan na nag pa-igik sakin.
Nanginginig na ang katawan ko. Natatakot na ako sakanya. Natatakot ako sa titig nya at sa nakakuyom nyang kamao na anytime pwede tumama sakin.
Malakas nya akong dinikit sa pader at nanlilisik ang mata na tumitig sakin.
"Sinumbong mo pa ako kay Daddy! Napaka-pakilamera mo talaga ano? Hindi pa ba sapat sayo na pinakasalan kita kahit ayaw ko?!"
Hindi ko na napigilan sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Sya. Sya palang ang nakakita ng luha ko. Pero kahit anong awa wala ako makita.
"Ano pa ba gusto mo? Ano gusto mo!" sigaw pa nito na nag paiyak pa sakin lalo "Wag kang umiyak na parang ako pa ang may kasalanan"
Gusto ko mag salita at ipag tanggol ang sarili ko na wala akong masamang ginawa sakanya. At hindi ko sya sinumbong sa Dad nya. Ngunit may nakabara sa lalamunan ko.
"Ito ba gusto mo?" napamulat ako sa ginawa nya nang pinunit nya ang dress ko sa bandang dibdib.
"N-no! Wag Evan!" nauutal na pag mamakaawa ngunit hindi sya nakikinig at tuluyan na nya nasira ang dress ko sa bandang dibdib na ngayon ay kita na ang mapuputi kong dibdib. Di ako nag suot ng bra. I just used n****e tape.
Gusto ko takpan ang dibdib ko nang tuluyan na nya natanggal ang n****e tape ko. Titig na titig sya dito at napapalunok sa nakita. Ibibigay ko naman sakanya pero hindi sa paraan na ito. No
"Oh b***h you've big boobs!" nag iba bigla ang nararamdaman ko, hindi na ako nanlalamig. Nag sisimula na tumaas ang temperatura.
"E-evan.." tawag ko nang subukan nya hawakan ang kanan kong dibdib. I bit my lip. Tuluyan na nahawakan nya ito
Tumingin nya sakin at ngumisi sakin
"Ito gusto mo diba?"
Napapalunok ako sa sinasabi nya. Umiling man ako pero traydor ang katawan ko dahil nadadala ito.
Saka lang ako bumalik sa reyalidad nang mag mulat ako at makitang malayo na sakin si Evan. Nakatitig sakin nang nakangisi. Na parang gustong gusto nya ang nakikita nyang reaction ko sakanya.
Agad ko natakpan ang dibdib ko saka umiwas nang tingin.
"That's what you like huh wife?" namula ako sa kahihiyan na hubad ako sa harap nya at namumula sa pag tawag nya saking wife.
Humakbang ito papunta sa pinto. Akala ko lalabas na sana sya ngunit huminto ito.
"Such a slut"
Nanlambot ang katawan ko. Kasabay nang malakas na pag sara ng pintuan. Doon na ako napahagulgol. Hindi ko na pinansin pa yong make up ko na sa tingin ko ay kumakalat na naman. Dahil natatabunan ito ng sakit na nang gagaling sa bigat nang nararamdaman ko.
Ito ba yong sinasabi ni Evan na hell na ipaparamdam nya sakin? Ito na ba yong unang araw nang buhay mag asawa? Bakit ang hirap.. una pa lang sobra na.
Ngumiti ako ng mapait. Naalala ko, Oo nga pala choice ko to. Pinili ko na makulong kay Evan, makulong sa galit nya. Ako lang ang may gusto na makasal sakanya at hindi sya. Wala akong karapatan na mag reklamo sa ginagawa nya sakin.
Siguro tanggapin ko na lang. Baka dumating din yong araw na mapagod sya at tanggapin na lang din nya ako.
Tumayo na ako at muli inayos ulit ang aking sarili. Nakatulala lang ako sa salamin habang nag aayos.
Bumalik na ako kina Mom and Dad na kausap pa rin sina Tito and Tita. Ngumiti ako sakanila, nagawi ang tingin ko sa gilid nila. Andon si Evan nakapamulsa at mariin na nakatitig sakin na parang kanina pa nya sinusundan ang likod ko.
Nag iwas ako nang tingin.
"Desiree asan ka galing? Kanina ka pa hinihintay ni Evan" hinihintay?
Ngumiti ako nang mapait. Nasasaktan ako na nag sinungaling sya kina Mom and Dad para pag takpan yong ginawa nya kanina. Pero sabi ko nga, ginusto ko to, pinili ko to, pangatawan ko.
"A-ah dyan lang po sa cr Mom nag retouch" kinagat ko pa ang labi ko para di mahalata ang garalgal kong boses.
Tumango sina Mom and Dad sa sinabi ko pati na rin si Tita. Tumingin sila kay Evan na nakatitig pa rin sakin.
Ayaw ko sya titigan, nababasa ko sa tingin nya na parang Ang dumi kong babae.
"Oh sya hijo maari na kayo umuwi sa bahay nyo. Kami na bahala dito" sabi ni Dad
Tumango naman si Tita "Yes. Mas okay na yong makapag isa kayo ni Desiree..you know di na kami bata pa ni kumare" nakangising tukso ni Tita sabay tingin kina Mom
Namula naman ako sa sinabi nila. Napasulyap pa ako kay Evan na ngayong palapit na sakin. Bumilis naman kabog sa dibdib ko. Kinuha nya yong braso ko pababa sa kamay ko at pinag saklob ito.
Nagulat ako sa paraan ng pag hawak nya. Napaka-gentle. Hindi katulad kanina na marahas.
Bumaba naman ang tingin ni Tita dito. At napa-oh. Kitang kita ang saya sa mukha nila. Pero maliban lang kay Tito na seryoso nakatitig kay Evan.
Tumikhim si Evan "Alis na po kami at baka napapagod na yong...asawa ko"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya asawa ko. Di ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti. Ang sarap pakinggan
"Sure! Sure hijo. Ingatan mo ang Desiree ko ah?" nakangiti na sabi ni Mom
"Yes po Tita"
Nag paalam na kami sakanila. No, si Evan lang pala ang nag paalam kasi hindi ko mabuka yong bibig ko para mag salita sa mga ginagawa ni Evan.
Hawak kamay kami nag tungo sa elevator. Ngumingiti pa samin yong mga bisita ay sinasabihan na ang sweet namin ni Evan. Nakita ko pa si Vivoree na kunot noo na tumingin sakin. Nginitian ko na lang sya.
Tumunog na ang elevator. Pumasok na kami doon. Pag kasarado nito ay kasabay nang pag bitaw ni Evan sa kamay ko. Automatic na nawala yong ngiti ko. Napatingin pa ako sa kamay naman na May space na. Lumayo pa sya sakin.
"Don't you remember what i said earlier?" Unti unti kong nakuha yong mga actions nya.
"Sa tingin mo ganon na lang kadali yon? Kinulong mo ako! Kinulong mo ako sa kasal na hindi ko gusto!"
Nag tagis ang panga nito at sobrang sama ng tingin nya sakin. Napalunok ako. Ramdam ko na naman ang pag init ng gilid ng mata ko. So it just an act..
Marahas na hinawakan nya ako sa panga gamit ng isang kamay nya. Napapikit ako sa sakit nang pag kakahawak nya kasabay nang pag tulo ng mga luha ko.
"Dammit! Huwag kang umiyak na parang ako pa ang namilit dito! Dahil una pa lang sinabi ko na hindi kita mahal! At hinding hindi kita mamahalin!" sigaw nya sakin.
Napahagulgol na ako lalo. Hindi ko alam Kung Ano yong masakit. Yong madiin na pag hawak nya sa panga ko o yong ipamukha sakin na hindi nya ako mahal at never na mamahalin.
Nag mulat ako ng mata at sinalubong ang nanlilisik nyang mata sa galit sakin. Kahit nahihirapan I compose myself to talk.
"W-why? Bakit ayaw mo sakin? Mahal naman kita.." pag kasabi ko non sakanya na mahal ko sya tuloy tuloy na ang pag bagsak ng luha ko.
Akala ko magugulat sya sa sinabi ko pero nag kakamali ako dahil parang mas lalo sya nagalit sakin.
Marahas nya akong binitawan sa panga. Napahawak ako dito dahil ang sakit. Tuloy tuloy pa rin ang pag iyak ko.
"May iba akong mahal. At sya lang ang mamahalin ko habang buhay"
Pag kasabi nya ay sabay na pag bukas ng elevator. Nag lakad na sya palabas. Nang nawala na sya sa paningin ko ay napayuko at nang hihinang napaupo.
Ngayon alam ko na ang mas masakit sa dalawa. Wala sa kanila. Dahil sobrang sakit pala na malaman mo na may mahal syang iba and he said that he wanted to spend his entire life with her.. at hindi ako yon.