Dos POV. Tahimik ang buong study room matapos itanong ni Señor Ireneo ang bagay na kahit ako… hindi ko masagot. Ano ang gagawin ko ngayon? Napayuko ako habang mariing hawak ang DNA test result. Pakiramdam ko isang maling desisyon lang… kayang mawasak ang lahat sa aming ni Tres. Kaya ko ba na balewalain ang pagiging magkapatid namin. At si Shairene. Pati si Uno. “Dos,” mahinahong tawag ni Señor Ireneo, “hindi kita pipilitin sa kahit anong desisyon.” Mapait akong napatawa nang hindi tumitingin sa kanya. “Ngunit kailangan kong mamili.” Tumango siya. “At anuman ang piliin mo… siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan.” Napapikit ako nang mariin. Pagsisisihan… mga salitang paulit-ulit na lang yatang nangyayari sa buhay ko. Noong panahong may nangyari sa amin ni Shairene, binalewala ko

