Third Person POV. Tahimik na nakaupo si Meru sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa mga dokumentong hawak niya. Legal separation. Ilang pirma lamang ang bumura sa pangalang matagal niyang ipinagmamalaki. Meru Del Fuego. Ngayon, tuluyan na rin iyong mawawala. Muli siyang napahikbi. Hindi niya alam kung ilang beses na siyang umiyak sa nakalipas na mga linggo. Ngunit sa bawat paggising niya sa umaga, ganoon pa rin ang realidad. Wala na si Denis. Wala na rin si Dos. At ang dating marangyang buhay na akala niya ay permanente, ngayon lahat ay wala na. Mariin niyang niyakap ang sarili. Ngayon niya naiintindihan ang mga bagay na noon ay binalewala niya. Pumasok sa isipan ang mga panahong nagsasama pa lamang silang dalawa ni Dos. Ang bawat sandali bago ito nagtungo sa ilang taon na train

