Dos POV. Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa noong unang beses akong sumabak sa combat training. Katabi ko si Uno-Sherwin sa likod ng sasakyan. Tahimik siyang nakatanaw sa labas ng bintana habang paminsan-minsan ay sumisilip sa akin. Samantalang ako… paulit-ulit kong iniisip kung paano ko sasabihin ang katotohanan. Hindi ko rin alam kung paano magsimula. Paano ko ipapaliwanag ang maraming taon ng pagkawala ko sa buhay niya. At paano ko sasagutin ang mga tanong niya? "Uno..." mahinahon kong tawag. Agad siyang napalingon. " Ano po, Uncle Dos?" "May gusto sana akong sabihin sa'yo." Nakangiti siyang tumango. "Sige po." Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko biglang natuyo ang lalamunan ko. "Alam mo naman siguro na may dahilan kung bakit gusto kitang makasam

