Tres POV. Tahimik lang akong nakasandal sa upuan habang nakatanaw sa maulap na kalangitan sa labas ng eroplano. Mahina ang ilaw sa loob dahil karamihan sa mga pasahero ay natutulog na. Dito kami sumakay sa passenger plane, ayaw ni Shairene na gumamit kami ng private plane. Pinagbigyan ko siya sa mga nais niya. Luminga ako sa paligid, halos lahat ng nasa malapit sa amin ay nakapikit. Bahagya kong sinulyapan si Shairene, nakapikit din siya. Parang ayaw makipag-usap. Ngunit ako… gising na gising ang isip. Pasulyap-sulyap ang mga mata ko sa pwesto ni Shairene. Tahimik siya. Nakabaling ang mukha sa labas ng bintana habang yakap ang sarili. At kahit hindi siya magsalita… alam kong hindi siya masaya. Masakit mang aminin, ngunit kitang-kita ko kung nasaan ang puso niya. Kay Dos. Napabu

