Shairene POV. Pagmulat ko ng mga mata ko, agad kong napansin ang sinag ng araw na tumatama sa puting kurtina ng silid ko. Mabigat ang pakiramdam ko at parang nais ko pang manatili sa higaan. Subalit may mahalaga akong aasikasuhin sa araw na ‘yon. At kahit halos hindi ako nakatulog kagabi gawa ng pag-iisip matapos kong makita si Dos, pinilit kong bumangon. Ganun pa man hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko ang ekspresyon ni Dos, habang nakatingin sa akin kagabi sa parking lot ng bar. Hindi ko sigurado kung ano ang problema niya at mag-isa siyang uminom sa bar. Tama at kasama niya ang mga bodyguard niya, pero bakit hindi niya kasama ang kakambal niyang si Tres? Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang naglakad. Paglabas ko sa veranda ng silid ko, agad akong sinalubong ng malamig

