Shairene POV. ANO ba ang totoo? Sino sa kanila ni Dos at Dennis ang nagsasabi ng kasinungalingan? Sumakay ako sa aking sports car at nagtungo sa mismong bahay ni Dennis. Ngayon ko lang ito gagawin. May nais akong makita kaya hindi ko na ipinaalam sa kanya ang pagdating ko. Kanina, nang mapanood ko ang buong detalye ng press conference ni Dennis, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Si Dos… inabandona ang asawa? Huminto ako sa guard house. Kinausap ako ng mga gwardiya, nagtanong sila ng kung anu-ano, at sinagot ko naman ang lahat. Saka pa lamang nila ako pinapasok nang makita ang aking identification. Hindi kalayuan ang bahay ni Dennis kaya agad akong nakarating. Nagmamadali akong bumaba at pinindot ang doorbell. Hindi nagtagal ay bumukas ang gate at pumasok ako sa loob. Pagbunga

