Kasalukuyang naka cap at nagsusuot ng isang damit ng pang delivery boy si Jin. Nasa police station siya para mag espiya at makinig sa mga plano ng pulisya. Nagpapanggap siya bilang isang nag aayos ng drinking fountain habang nasa labas ng meeting room ng mga pulis. Naglagay siya ng bugged device sa loob para marinig niya ang mga pinaguusapan nito. "Sir na restore na namin ang blackbox." "May nakita ka ba?" "Meron po, may pagkakapareho ang katawan niya kay K." Tama nga siya, tinututukan na ang paghahanap kay K. Alam niyang malapit lang ito sa kanyang paligid. Alam niyang may alam si Lizette, pero ayaw niyang makaramdam ng pressure ang babae kapag tatanungin niya ang bagay na yon. Mas mabuting siya nalang ang hahanap ng sagot sa mga katanungan niya. "Kailangan natin siyang mahanap. Isan

