Halos di na mawala sa isip ko ang pangalan ni Kian. Masyado niya akong ginugulo. Lahat ng sasabihin niya, natatahimik ako. Pakiramdam ko bawat kilos ko alam niya, na dapat mag ingat ako kasi nanonood siya. Hindi ko na nga halos maisip kung anong klaseng tao pa siya. Ang ideyang gusto kong umiwas dahil sa kanya ay hindi dahil sa kung anong klase siyang tao, kundi dahil sa isa pang dahilan na ayaw kong subukan. Nasa labas ako ng barracks kung nasaan si Triv. May trabaho ako mamayang ala una sa coffee shop malapit sa isang mall. Doon ko nagpasyang tumagal dahil sa lahat ng trabaho ko ayon ang medyo mataas ang sweldo. Napayakap ako sa sarili ko dahil malamig ang panahon nitong mga nakaraang araw. Madalas ng umuulan. Napatingin ako sa labas ng barracks nila. Rinig na rinig ko ang sigaw ng mg

