Hindi ko makalimutan ang linyang binitawan ni Jin at hindi ko rin magawang seryosohin ang sinabi niya dahil baka mali ang pagkakaintindi ko o baka mag isip ako ng kung ano ano. Pagkatapos namin mag usap sa school kanina ay tinawagan ako ng part time ko. Nauna akong umalis dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanya. "Lizette, heto pala ang bayad ko sayo. Thank you, dahil nag offer kang mag assist sa make up artist ko." tinanggap ko ang binigay niyang pera na nasa isang puting sobre. "Salamat din, kapag kailangan niyo ulit tawagan mo lang ako." tumango siya at ngumiti. Kaklase ko siya dati at napaka active niya sa mga pageant at modeling. Sinubukan ko rin dating mag ganon pero masyado kang exposed sa lahat ng bagay, kaya naman sumasali lang ako sa pageant sa school at hindi sa l

