KISB 1 - The Start

1793 Words
Napahawak ako sa bibig kong nanginginig. Nakasaksi ako ng babaeng tinotorture, isang babaeng mukhang na kidnapped o baka pinarusahan dahil baka kasamahan nila. Baka may nagawang hindi maganda o baka tumiwalag na sa grupo. Ang hindi pa mawala sa isip ko ay ang nagligtas saking lalaki. Hindi ko na alam ang dapat isipin. Masyadong nakakabaliw ang mga pangyayari. Agad akong dumiretso sa police station kung saan naka assign ang kinakapatid ko na si Rain. Pagpasok ko palang ay naagaw ko kaagad ang atensyon ng ilang pulis. Shit. Mukha akong malaswa sa suot ko. "Nandyan po ba si Rain Marquez?" hinihingal na tanong ko sa dalawang pulis na nakaupo. Umawang ang bibig nila at napatingin sa suot ko. Agad naman naputol iyon nang may tumawag sa akin mula sa likod ko. Narinig ko ang mga asar ng mga kasamahan niya. "Lizette?" agad akong lumapit sa kanya at hinila siya palabas ng police station. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya habang hinihila ko siya. Kailangan ko siyang makausap. "Teka.." pinihit niya ang braso ko paharap sa kanya. "Ano bang problema?" malakas parin ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko anytime hahabulin ako ng mga lalaking iyon. "Kasi Rain.." "Halika nga." hinawakan niya ang kamay ko at nagalakad kami papunta sa isang sasakyan ng pulis. Pagkapasok namin ay agad siyang humarap sakin. "Anong nangyari?" Lumunok ako bago nagsalita. "Nakasaksi ako ng torture doon sa High Haven Bar. Narinig ko din na ipapadukot nila si Senator Delgado." sumeryoso ang mukha niya. "Paanong magkakaroon ng kidnapped sa club? Sikat na club iyon at puro personalidad ang nandoon." umiling iling ako. "May babae silang tinotorture! Nakatali ang babae at nakatape ang bibig niya t-tapos may parang stock room doon na malawak." halos hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag ang nakita ko. "Paano ka naman kasi napadpad doon? At bakit ganyan ang suot mo?" bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Inis siyang napabuga ng hangin. "Kumanta lang ako doon, wala kasi iyong singer nila kaya kinuha ako ni Kuya John. Malaki naman ang bayad kaya tinanggap ko na." kumunot ang noo niya sa inis. "Kaya naman kasi kitang pahiramin, kung ano anong trabaho ang pinapasok mo." inis na sabi niya at napahilot sa sentido. "Hindi naman iyon ang issue dito." mahinang sabi ko. Tingin niya ba gustong gusto ko ang nanghihiram ng pera? Hindi. Kaya kong buhayin ang sarili ko at ayokong umasa sa pera nila, masyado ng maraming natulong ang pamilya ni Rain sakin. "Iyon ang issue dito. Kung sana hinahayaan mo akong tulungan ka hindi ka masasangkot sa ganitong gulo." napasandal ako sa upuan at pumikit. "Pwede bang huwag mo akong pagalitan? Halos mamatay na ako kanina sa kakatakbo. Sakit na ng paa ko." hinang hina na sabi ko. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Ang tauhan yata ni Cortel ang tinutukoy mo." "Wala akong pakialam kung sino pa siya, kailangan niyo ng kumilos." tarantanta na sabi ko. "Lizette.." pagod siyang lumingon sakin "Kaya niyo bang hulihin ang sindikato na iyon? Si Senator Delgado? Kaya niyo ba siyang protektahan?" sunod sunod kong tanong. Si senator ay best friend ni mama, noong bata pa ako ay lagi akong naglalaro sa bahay nila. Napakabait niyang tao, siya rin ang nagbigay ng scholarship sakin para matuloy ako sa pag aaral. Hindi ko alam sinong gagawa sa kanya ng masama. Humugot ng malalim na paghinga si Rain. "Mahirap silang hulihin, masyadong malaki ang organisasyon na nakita mo at hindi iyon kontrolado ng gobyerno." "Paanong hindi eh buhay na ng senador ang usapan dito." umiling siya. "Maraming nagtangkang humawak ng kaso na yan, pero wala din. Maraming koneksyon ang organisasyon na yan. Sobra ring makapangyarihan si Cortel. Matagal ko na siyang iniimbistigahan." nanghina ako sa sinabi niya. "Paano na iyan? Baka anong gawin nila kay Senator Delgado." nag aalalang sabi ko. "Nakita ba nila ang mukha mo?" natigilan ako at halos makalimutan ko yon. "O-Oo. Pero hindi naman yon importante--" "Ano?! Anong hindi importante? Yun ang pinaka importante dito, alam nila ang mukha mo at baka balikan ka nila." napalunok ako sa takot. "A-Anong gusto mong gawin ko? Mahahanap at mahahanap din nila ako. N-Nakita nila ang mukha ko, malamang malalaman din nila ang tinitirhan ko." hindi mapakaling sabi ko. "Kakausapin ko si General Marquez tungkol dito." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Pwede mo naman siyang tawaging papa sa harap ko." sabi ko. "Kailangan mo ng police protection. Magpapadala ako ng tao para bantayan ka kahit saan ka magpunta." "Kahit sa cr?" sinamaan nya ako ng tingin. "Tingin mo ba oras to para makipagbiruan?" natahimik ako at napayuko. Seryosong tanong yon. Natigilan kami ng may kumatok sa sasakyan. Agad kaming napatingin sa labas. Isang lalaking pulis kasama ang papa ni Rain. Ang ninong ko. Magkaibigan ang mga magulang ko at ang papa niya, simula nang mawala ang magulang ko lagi silang nandyan kung may kailangan ako. Kaya naman sobrang thankful ako sa pamilya nila. Sobrang bait nila sakin. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan nang pigilan ako ni Rain. "Sandali." may kinuha siya sa likod. Blue na jacket ito. "Isuot mo muna bago ka lumabas." napangiti ako at agad itong sinuot. Lumabas kami ng sasakyan ay agad kong sinalubong ang papa niya. "Good evening po tito." bati ko. Ninong ko siya pero mas gusto niyang tito ang itawag ko sa kanya, ganon din ang asawa niya. "Lizette? Anong ginagawa mo dito? Gabi na." napatingin siya suot ko at tumigil ito sa paa ko tapos ay tumingin kay Rain. "Anong nangyari?" lumapit lang sa kanya si Rain at may binulong. Sinenyasan niya ang isang pulis kaya agad itong lumapit sakin. "Miss pumasok muna tayo sa loob." tumango ako. "Lino, bigyan mo siya ng sapin sa paa at bigyan ng makakain sa loob." rinig kong utos ni Tito Rody. "Yes sir." saludong sabi nito at inalalayan ako papasok sa loob. Nang pumasok kami sa quarters nila ay napatingin agad ang ibang pulis sa direksyon namin. Dumiretso kami sa office ni Rain. Napakagulo pala talaga. Sobrang daming papel, tingin ko ay mga kaso ang mga iyon. Tapos andami pang nakadikit sa dingding. "Miss? Kape ka muna." agad may nag alok sa akin ng kape kaya naman nagpasalamat ako at tinanggap ito. "Dito mo nalang hintayin sila Gen. Marquez." tumango ako. Ngumiti ito bago lumabas ng silid. Nilibot ko ang tingin sa office ni Rain. Nakita ko ang mga certificate at medals na natanggap niya. Taray talaga nitong si Rain, achiever. Naagaw ng atensyon ko ang mga picture na nasa whiteboard. Nilapag ko ang kape at lumapit doon. Mga location at mga taong wanted. Kaso may isang picture akong napansin, medyo weird. Naka mask ang lalaki at tanging mata lang ang nakikita sa kanya. Wanted: K K? Tinitigan ko maigi ang mata nito. Malamlam ang mga mata nito at mahaba ang pilik mata, malabo ang kuha sa litrato pero halatang makapal ang kilay nito. Ang ganda ng mga mata niya. Nakakalunod tingnan. "Liz." napalingon ako sa tumawag sakin. Si Rain pala. "Dito muna ba ako mag stay?" umiling siya. "Sorry. Baka kahit dito hindi ka parin safe." nalukot ang mukha ko. "Saan pala ako matutulog?" nanlulumong tanong ko. "Sa suit namin. Malapit lang iyon sa school mo." "Hindi ba ako madaling mahanap doon?" umiling siya. "Hindi. Secured ang Dayle Suite, alam ko yon dahil naranasan ko ng ma in-charged sa suite na yon. Sobrang higpit ng security nila at nakakasiguro akong ligtas ka doon. Isa pa, may magbabantay sayo simula bukas." paliwanag niya. "Dayle Suite? Diba five star suite yon?" gulat na tanong ko. "Oo. Exclusive ang suite na iyon kaya dapat mag ingat ka parin sa bawat kilos mo at sa mga taong nandoon." sagot niya. "Nakakahiya Rain, ayos lang naman ako kahit saan. Huwag na doon, mahal doon diba?" Alam ko ang hotel na yon dahil madalas ko yon madaanan dahil malapit lang sa school. Napakamahal daw doon dahil halos mayayaman lang ang nakaka afford doon, mayaman sila Rain pero ayokong abusuhin ang kabaitan nila ni Tito Rody. "Lizette, kailangan unahin ang kaligtasan mo. Pwede bang saka na yang hiya mo?" napayuko ako. "Doon ka muna habang hindi pa tapos ang imbestigasyon patungkol kay Cortel." marahan akong tumango. "Anong sabi ni Tito Rody?" tanong ko. "Nasabi ko na rin sa kanya ang nangyari. Kami na ang bahala. Ihahatid na kita doon para makapagpahinga ka na rin. Siya rin ang nagsabi na dapat doon ka muna hangganh hindi pa natatapos ang kaso na to. Malapit na mahuli sila Cortel dahil may mga leads na kami. Hindi lang namin siya magawang arestuhin dahil sa dami niyang alibi." paliwanag niya. "May darating din na mga sundalo bukas, tutulong sa imbestigasyon." tumango nalang ako kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Okay, Rain." Pinasadahan niya ang suot ko at bumuntong hininga. "Sa uulitin, huwag ka ng kukuha ng trabahong mababastos ka, kahit gaano pa kalaki ang sweldo." nahiya ako at tumango nalang. "Ayokong mapahamak ka." natigilan ako saglit sa sinabi niya at agad napatingin sa kanya. "Tara na, kailangan mo pang makapagpahinga." sabi niya at naunang lumabas. Napangiti ako sa inasal niya. Nakakatuwa at may kaibigan akong tulad niya, parang kuya ko na siya at masayang isipin na may mga taong nag aalala sakin. Alas tres na ng madaling araw nang makarating kami sa sinasabi niyang hotel. Kitang kita ko ang malaking pangalan nitong kumikinang. Dayle Suite. Oo nga, sobrang exclusive at napaka five star ng dating. Mataas na building at napaka elegante ng disenyo. Pagpasok palang namin ay namangha ako sa kinang ng sahig. Nang makakuha siya ng room ay ibinigay niya sakin ang susi at sinamahan ako paakyat. "20th floor ka. Iyon ang pinaka huling room pa rooftop." aniya at pinindot ang button pa 20th floor. "Kapag may problema tawagan mo ako." tumango ako. Narinig ko ang pag tunog ng elevator at ang pagbukas nito. Lumabas kaming dalawa at napayakap ako sa sarili ko sa sobrang lamig ng floor na ito. Medyo malaki at napaka classic ng dating. Room 1224. Agad kong nakita ang room ko. "Dito na ako." ni scan ni Rain ang keycard at agad kaming nakapasok. Nakakamangha ang ganda ng room. Hindi masyadong malaki at tamang tama lang sakin. "Ang ganda naman dito." sabi ko sa kanya. "May isang bagay na dapat mong tandaan habang nandito ka." kumunot ang noo ko. "Huwag na huwag kang sasakay sa elevator na sinasakyan ng mga VVIP." nagtaka ako sa sinabi niya. "Bakit naman ako sasakay? Eh pang VVIP nga?" sinamaan niya ako ng tingin. "Sundin mo nalang ang sinabi ko. Intindi mo?" tumango ako. Natulala ako saglit at hindi parin mawala sa isip ko ang mga naganap kanina. Parang hindi talaga ako makakatulog ngayong gabi. May pasok pa naman ako bukas. "Aalis na ako, magpahinga ka dito. Huwag ka munang pumasok bukas." napalingon ako sa kanya. "Hindi pwede, mahirap magka absent baka may ma missed ako na lessons." sabi ko. Scholar lang ako sa school at hindi ako pwedeng mag absent ng basta basta. "Kaya mong pumasok bukas?" tumango ako. "Ayos lang ako, Rain. Salamat talaga ngayong gabi, mag iingat ka pag uwi." bumuntong hinininga siya at nagpaalala ng kung ano ano bago nagpaalam. Narinig ko pa ang paguusap nila sa telepono ng tumawag sa kanya. "Anong patay lahat ng tauhan niya? Pati ang babae? Papunta na ako." Patay.. lahat? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD