KISB 2 - Strangers

1781 Words
Strangers "Huy! Andyan na si sir!" napadilat ako sa babaeng umalog sakin. Inaantok akong umupo ng maayos. "Puyat na puyat ah. Saan ka galing kagabi?" tanong ni Grace. Bumalik na naman sa akin ang nangyari kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari. Ang ending wala akong tulog kaya napakaaga ko pumasok kanina. Five in the morning nandito na ako sa school, naunahan ko pa iyong mga bodyguards. Ngayon ko lang naramdaman ulit ang antok. "Miss Ching! Where is your book?" napatalon ako sa gulat sa sigaw ni Sir Larin. Agad kong dinukot ang libro ko sa Stats sa ilalim ng desk. "S-Sorry sir." "Bagsak na nga ang grade mo, lumilipad pa ang utak mo!" narinig ko ang pigil na tawanan ng mga kaklase ko. Basic statistics ang subject namin ngayon. Akala ko kapag nag psychology ka, wala kang math. Patapos na rin naman ang taon ko sa psychology as a first year student. Isang buwan nalang at bakasyon na, kailangan ko na agad makapaghanap ng pang matagalang trabaho. "Turn your book on page 54 to 55. Answer all the Seatwork." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi pa nga siya nagtuturo seatwork agad. Napaka ng matandang ito. Mahirap talaga maging college student lalo na at may prof na ganito. Halos mapunit ko na sa inis ang libro. Tiningnan ko lahat ng sasagutan parang gusto yatang magdugo ng ilong ko. Bumukas ang tv sa classroom namin kaya lahat doon ay napatingin. Breaking News "Senator Delgado, tinamaan ng ligaw na bala sa gitna ng kanyang pagtitipon sa loob ng kanyang mansyon. Ayon sa mga nakasaksi may napansin silang mga lalaking kahina-hinala na hindi umano'y wala sa listahan ng mga bisita. Inaalam pa kung ano ang kalagayan ng senador." Napuno ng bulungan ang buong classroom. Si Sir Larin ay dali daling lumabas. Lahat ay nag iingay. Paanong hindi? Si Senator Delgado ang number one sponsor ng school namin. Dahil sa kanya, pangatlo ang school namin dito sa bansa. Maganda ang palakad at sobrang ganda. Bigla akong kinabahan. Dapat ko ba itong ipaalam kay Rain? Malamang nakaabot na ito sa pulis. Paano kapag nahanap ako ng mga lalaki? Minsan hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko para maging kalmado sa lahat ng nangyayari. Tandang tanda ko pa lahat. Pero heto ako ngayon nag aaral ng math. "Grabe noh? Bakit kaya nila gustong patayin si Senator Delgado?" rinig kong tanong ni Grace. umiling ako at bumuntong hininga. "Siguro kasi ayaw ng ibang partido na manalo siya." wala sa sariling sambit ko. "Hmm. Grabe talaga ang politika dito. Hay." sambit ni Grace. Buong araw ay wala ako sa sarili. Paulit ulit sa isip ko ang nangyari kagabi. Kating kati na ang paa kong pumunta sa police station at kausapin si Rain. Nasa garden ako ngayon ng school at nakaupo sa isang bench. One thing I love about this school is this place. Sobrang peaceful. Bawal ang lovers dito, nasa warning iyon ng school. "Tulala ka na naman!" pabirong tulak sakin ni Grace kaya naman nabalik ako sa huwisyo. Nga pala, si Grace lang ang nag iisa kong kaibigan sa school na ito. Ayoko ng group of friends. Maingay at magulo. Tama na ang isang kaibigan. "Lalim ng iniisip mo kanina pa. May problema ka na naman sa pera noh?" umiling ako at dumukot lang ng chips na hawak niya. "Wala. Iniisip ko lang kung saan ako mag tatrabaho pangdagdag allowance." sabi ko sabay kuha ulit ng chips. "Edi pera nga! Duh! Bakit kasi ayaw mong humingi ng tulong kay Rain?" nilingon ko siya. "Nakatira na ako sa suite nila Rain, sabi ni Tito Rody dumuon muna daw ako." nanlaki ang mata niya. "Saang hotel?" "Dayle suite." "Omg! Ang mahal doon, girl!" umiling ako. "May tinatapos silang imbestigasyon, kapag natapos yon doon muna ako. Busy rin kasi siya kaya hindi niya maaasikaso ang pag tanggi ko." simpleng paliwanag ko nalang dahil ayaw ko ng ipaalam pa ang nangyari. Ngumuso si Grace at sumimangot. "Kung pwede lang kitang patirahin sa bahay namin eh. Kaso mainit dugo sa'yo ng kapatid ko." naalala ko tuloy bigla ang kapatid niyang babae. Galit na galit sa akin ang isang iyon dahil inagaw ko daw ang boyfriend niya. Nakipag break kasi sa kanya ang boyfriend niya dahil may gusto ito sakin. "Sira. Okay lang noh, marami ka ng natulong sakin." nginitian ko siya. Kinulit kulit niya ako patungkol sa Dayle Suite na gusto niya doon mag try ng spa at swimming. Umiling nalang ako dahil wala naman akong oras para sa mga ganong bagay. "Grabe na talaga ngayon." biglaang sabi niya habang nakahawak sa phone na ngayon ay nasa isang social media site na. "Tingnan mo oh." agad niyang pinakita sakin ang sinasabi niya. Stolen shot ng isang lalaking matangkad na naka face mask at itim na gloves. Medyo blur ang pic kaya hindi kita ang mukha niya. "Shooting?" tanong ko sabay kain ng chips na hawak niya. "Huh? Anong shooting? Duh! Uso magbasa ng caption!" hindi niya parin inaalis ang nakatapat na phone sakin kaya naman nilingon ko ulit ito at binasa. "Wanted: K, prize sa makakakita sa kanya ay.. 700k?!" gulat na basa ko sabay tingin kay Grace. " Ito ba ang nakita ko sa office ni Rain? Tinitigan ko ito maigi. "Makikilala pa ba yan? Balot na balot eh." "Onga! Hanapin kaya natin? Tapos hati tayo sa prize." biro niya sabay tawa ng malakas. Lakas talaga ng tama. "Ikaw nalang, mahal ko pa buhay ko." inismidan niya lang ako. Nang uwian na ay hindi ako sumabay kay Grace. Nauna akong umalis dahil may group study pa sila. Hindi na ako sumama dahil alam kong tutulugan ko lang sila. Naglalakad ako ngayon sa isang iskinita pabalik sa hotel. Pupuntahan ko ang pinadalang bodyguard sa akin ni Rain. "Aw.." daing ko nang may bumangga sakin sa daan. Hindi ako nag iinarte, masakit talaga. Nang nilingon ko ang lalaki ay mabilis na siyang nakalayo. Hindi man lang nag sorry. Aalis na sana ako nang may nakita akong parang nahulog yata noong lalaki. Pinulot ko ito at tiningnan. Umiilaw siya ng kulay pula. Hahabulin ko na sana siya kaso may sumigaw sa malayo. "Ayun siya!" sabay turo sa direksyon ko. Agad akong gumilid nang tumakbo sila papalapit, malamang hahabulin nila iyong lalaki pero mali yata ang akala ko. "B-Bakit sila papalapit sakin?" tanong ko sa sarili ko. Natanga nalang ako nang papalapit sila hanggang sa may tumamang bala sa gilid ko. Hinanap agad ng mata ko kung sino ang nagpaputok, may nakita akong tao sa itaas ng tapat ng building ng kinatatayuan ko. Hindi ko maaninag dahil matindi ang sikat ng araw sa pwesto niya. "Akyatin niyo!" rinig kong sigaw ng isang lalaki sa malayo. Dali dali akong tumakbo papalayo dahil pansin kong sa akin nga sila nakatingin. Tiningnan ko ang bagay na hawak ko, hindi ba ito bomba? Mamaya sumabog nalang ito bigla. Nagtago ako sa isang tagong sulok sa gilid ng daan. Sumiksik ako sa pader para hindi ako makita, halos hindi ako huminga nang nakita ko silang dumaan. Napaupo ako at napahawak sa dibdib ko nang makita ko silang dumiretso palayo. Muntik na ako doon. Ayoko ng madamay pa sa gulo. "Hey." nanigas ako at napalunok sa boses ng lalaking narinig ko. Narinig ko ang pag apak niya sa isang lata habang papalapit sakin. Dahan dahan akong pumihit paharap sa lalaki. "Hand it over." sabi nito sa paos na boses. Napalunok ulit ako nang masilayan ko ang lalaki. Matangkad ang lalaki at sobrang lamig ng dating. Naka cap ito ng itim at ewan kung bakit madilim sa parte kung nasaan kami. Pamilyar ang tindig niya sakin. Tinutukoy niya ang bagay na may ilaw na hawak ko. "S-Sayo ba ito?" "Yes." napakalamig na sabi niya habang seryosong nakatingin sakin. Napasinghap pa ako nang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na baril. Nanginig ang labi ko at sobra akong kinabahan. Nanginginig ang kamay kong inabot ito sa kanya. Nang humakbang siya papalapit ay agad akong natakot kaya napaatras ako. Lalong kumunot ang noo niya sa ginawa ko.  Humakbang ulit siya papalapit sakin kaya napaatras ulit ako. Shit. Ayaw mag pirmi ng paa ko, umaatras talaga siya ng kusa. "Do not move." mabagal na sabi niya na lalong nagpanginig ng tuhod ko. Nang humakbang siya ay automatic na umatras ang paa ko at halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa dalawa kong braso. Agad akong napaharap sa likod ko. Isa na namang lalaki, naka itim din ito pero kitang kita ko ang mukha niya. Nakita ko ang swat sa suot niya. Walang takip ang mukha niya hindi tulad ng isang lalaki. "P-Pulis kayo?" nauutal na tanong ko. Walang pumansin sa tanong ko at nagsukatan sila ng titig na para bang sinusuri ang isa't isa. Lumapit sakin ang unang lalaki at pinulot ang bagay na umiilaw. Tumingin muna ito sakin bago tumakbo papalayo. Agad naman akong napatakip ng tenga nang may magpapaputok at galing ulit iyon sa taas. May humila sakin palayo doon. "Teka s-saan mo ako dadalhin?" halos kaladadkad ang ginawa niya sakin sa sobrang bilis niyang maglakad. Hindi siya sumagot hanggang sa nakarating kami sa likod ng isang building. Nagtago kami sa isang iskinita. Nakatingin lang ako sa kanya at sinusuri siya. Napakatangkad ng lalaking ito, tulad ng lalaki kanina. "Sino ka?" tumingin ito sakin at halos mapalunok ako sa klase ng titig niya. Akala ko ay sasagot siya pero tiningnan niya lang ako.  Bahagya pa siyang lumayo bago hawakan ang earpiece na suot niya at halos marinig ko ang sinasabi mula dito. [Ano pang ginagawa mo dyan?! Bumalik ka sa casa bago ka pa munahan ng iba!] Pumikit siya at napangiwi sa sigaw ng nagsalita. "Nandoon na ang team ko--" ["Kailangan nandoon ka!] "Imposible namang mangyari na makapunta agad ako dyan." [Kumilos kana Rivero.] napapikit siya at napahawak sa batok. [Rivero!] Pagod siyang sumagot. "Yes sir." binaba nya ang tawag at humarap sakin. "Ayos ka lang ba?" wala sa sariling tumango ako. Bigla akong nanghina sa mga nangyari. Muntik na akong mawala ng balanse nang hawakan niya ang dalawang balikat ko at inalalayan sa pagtayo ng maayos. "Sigurado ka?" inis ko siyang tinulak. "Sino sa tingin mo ang magiging maayos sa nangyari?" wala sa sarili na sabi ko. "Sabi mo ayos ka, tumango ka." bahagya siyang lumayo. "Ano bang nangyayari? May raid ba kayo dito? Isa pa, bakit bigla ka nalang nanghihila?" napahawak siya sa batok niya. Ang mukha niyang pangbanyaga ang una kong napansin. Halata ang pagka mestizo niya kahit halatang babad siya sa araw. Namumula mula pa ang balat niya. "Miss hindi mo kasi naiintindihan--" "Hindi ko rin talaga naiintindihan bakit mo ako hinihila bigla bigla!" binuka niya ang bibig niya pero agad niya itong tinikom. Napatingin kaming dalawa sa bandang kanan namin nang may sunod sunod na yapak kaming narinig. Maraming naka itim na may nakasulat na swat ang dumating. "Mukha naman okay ka. Ingat miss ah?" biglang sabi ng lalaki bago ako tinapik sa braso. May sinabi pa siya sa ibang pulis bago tumakbo palayo. Tiningnan niya ako bago dire diretsong tumakbo papunta sa mga yon. Napanganga ako sa biglaang pag alis niya. Pulis ba siya? Naguusap pa kami ah, bat nya ako nilayasan? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD