"Sinabi ko naman sayo na kailangan mo ng back up!" napapikit si TJ, sa lakas ng sigaw ng commander niya. "Pulis sila! Sundalo ka! Kaya hindi nagkakasundo dahil hindi ka sumusunod sa anong gusto nila!" diretso lang ang tingin niya habang pinapagalitan. "Tumataas na naman ang dugo ko dahil sayo." sabi nito at napahawak sa batok habang nakapikit.
"Sir hindi naman sila makakatulong--"
"Makakatulong o hindi hayaan mo sila! Tandaan mo, ito ang parusa mo sa paglabag sa utos ka sa nakaraang mission ng team niyo sa Afghanistan!" sigaw ng commander nito.
"Pero sir, hindi naman makatarungang utusan ako eh naka off duty--" tumayo ang commander niya sa upuan at nilapitan siya.
"Off duty o hindi kailangan mong kumilos. Hindi ka na captain, isang linggo kang magtatrabaho sa pulisya. Naiintindihan mo ba?"
Natanga siya doon.
"Sundalo ako, bakit mo naman ako pagtatrabahuin sa pulis--" natigil siya nang makitang halos umusok na dalawang ilong nito. "..sir" tuloy niya.
"Basta dumoon ka muna. Lumayas kana sa harap ko bago pa anong magawa ko sayo." tumuwid ito ng tayo bago sumaludo.
"Sir, yes sir." umupo ang commander niya at sinenyasan siya lumabas na ng kwarto.
"Umalis kana, mamamatay ako sa init ng ulo sayo." pinigil niya ang muntik niyang tawa bago sumaludo at lumabas.
"Captain!" napatingin siya sa gilid at nakita ang isang lalaking naghihintay sa kanya kanina pa. Lumapit sa kanya ito at inakbayan siya. "Kamusta pagiging pulis?" tanong nito sabay tawa.
Si Gian, ang kaibigan niya.
"Hinihintay ko nalang na matapos ang isang linggo. Napakaseryoso ng mga tao doon, at ang mga babae na pulis?" dismayado siyang umiling iling. "Wala man lang akong natipuhan."
"Biyernes ngayon, inom nalang tayo?" tinanggal niya ang pagkakaakbay nito at tinapik sa braso.
"Magtrabaho ka ng mabuti, kung ayaw mong matulad sakin." ngumiti ito at tumalikod.
"Inom tayo!!" kumaway lang siya habang naglalakad palayo.
Paglabas niya ng headquarters nila ay agad siyang dumiretso sa kotse niya at napatigil nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabuntong hininga nalang nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hello babe--"
[DON'T YOU DARE CALL ME BABE! LOVE ANG TAWAGAN NATIN! I BUMP INTO SOME b***h AND SHE SAID NA YOU'RE DATING HER WHILE YOU'RE WITH ME! GOSH! I HATE YOU! TAPOS NA TAYO!]
"Wait--" napapikit siya nang maputol ang tawag.
Napailing nalang siya at pumasok sa passenger seat ng kotse. "Wala lang man magandang nangyari ngayong araw." inis na bulong niya bago pinaandar ang sasakyan.
Sanay na siya sa mga babaeng bigla nalang tatawag at makikipag break. Mas mabuti na nga iyon kaysa naman sa personal at baka masampal lang siya. Kilala siya bilang mahilig sa babae. Hindi man nagseseryoso pero matapat naman sa kaniyang trabaho. Ayon nga lang, sa kasamaang palad bumaba ang rango niya dahil hindi niya sinunod ang utos ng kanyang boss sa huli niyang mission sa Afghanistan. Hindi naman niya ito pinagsisihan dahil nakaligtas parin naman siya ng maraming buhay. Kaso, bawas na nga ang sweldo, bumaba pa rango.
Ilang minuto lang ay nakarating siya sa isang lugar kung saan siya pinapapunta ng boss niya ngayong linggo. Siya ang magtetrain sa mga mag aaral bilang pulis. Hindi naman niya ito gawain dahil dapat nasa isang laban siya imbis na nagtuturo ng mga magpupulis. Isa pa, hindi siya pulis.
Makulimlim sa lugar na yon kaya't kinuha niya ang kanyang jacket sa upuan sa likod ng kotse bago lumabas. Pagkarating niya doon ay may mga sumalubong sa kanyang pulis na sumaludo sa kanya.
Sumaludo din siya at binati ang mga ito. May lumapit na matanda sa kanya habang nakangiti.
"Ikaw po ba si General Marquez?" tanong niya.
Tumango ito at tinapik siya. "Halika sa loob." sumunod naman ito.
Nilibot niya ang tingin sa lugar at pansin din ang kanyang pagdating dahil napatingin pa sa kanya ang ibang mga pulis na nasa lugar. Suot ang isang itim na shirt at pantalon ng sundalo ay talagang agaw pansin siya sa mga matang tumitingin sa kanya.

Name: Trivion Jude/ TJ Rivero
Code Name: Captain
"Narinig ko ang nangyari kay Commander De Leon. Sabi niya ikaw daw ang pinaka matigas ang ulo sa lahat ng team na hawak niya." napangisi din siya sa sinabi nito.
"Ako nga ho lagi napapagtripan." natawa ang matanda at pumasok sila sa opisina nito.
"Totoo ngang napakagwapo mong binata." komento pa nito.
Ngumiti lang siya bilang sagot.
Pero sa loob loob niya..
"Alam kong gwapo ako. Hindi yon sikreto."
Pinaupo ng matanda si TJ at nagsalita. "Hindi kita mababantayan dahil may mga gagawin pa ako sa kampo. Kaya kumuha ako ng magsasabi sayo sa lahat ng gagawin at sa mga pwede mong iutos." sabay nito na bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Rain, Rain Marquez.
Sumaludo ito kay General Marquez at humarap kay TJ. Humalukipkip si TJ at pinasadahan ito ng tingin. Hinintay ni TJ na sumaludo ito sa kanya pero pag harap nito ay tinitigan lang siya.
"Sige at maiwan ko na kayong dalawa dito." tinapik niya sa balikat si Rain at nginitian niya naman Si TJ bago tuluyang lumabas.
"Ikaw ba si Rivero?" bahagyang nag init ang ulo ni TJ sa bungad ng mayabang na lalaki.
Naningkit ang mata niya at unti unting tumayo. "Ikaw ba si Ulan?" pangaasar na tanong nito at tumingin sa labas. "Sakto umuulan na." dagdag pa niya.
Hindi sumagot si Rain at walang pakialam sa sinabi nito. "Magpalit ka ng itim na damit at sumunod ka na sa TA2." binato nito sa kanya ang itim na damit at tumalikod. Lumabas ito ng walang sabi.
Ang TA2 ay Training Area 2, ito ang ginagamit kapag ganitong maulan at kaunti lang ang itetrain. Ang TA1 ay ang training field kung saan ginaganap ang mga training ng mga ganap ng pulis para magsanay pa lalo.
Sinuot niya ang binigay na damit. Mabuti at nagdala siya ng kanyang itim na jacket.
Lumabas siya at agad siyang nakaagaw ng atensyon sa mga pulis na naroon. Si TJ ay sikat din sa pulisya. Bakit? Nakaaway lang naman niya ang ilan sa pinakamatataas na rango ng kapulisyahan. Kulang nalang ay i banned na siya ng mga pulis sa kalokohan nito.
Habang siya ay naglalakad ay napansin niya na bumubuhos ang ulan. Hindi naman ito malakas pero ramdam ang lamig ng hangin.
Papunta na sana siya ng training ground nang mapatigil siya sa babaeng naglalakad habang nagcecellphone. Naningkit ang mata niya nang marealize na yon ang babae kanina. Nagpalit na ito ng suot at may bandaid narin ito sa tuhod. Nakasuot ito ng skirt at fitted na crop top.
Hindi niya mapagkakailang maganda ito.
Napangisi siya at napailing sa ideyang sinusundan siya ng babae para mag sorry at hingiin ang number niya. Lalapitan na niya ito nang sumigaw ito.
"Rain!" napatingin siya sa kabilang direksyon kung saan nakatingin ang babae.
Napatigil siya at kumunot ang noo. Nilapitan niya ang nakatalikod na si Rain at tinapik. Ngumiti ang kaninang lalaking nakasimangot nang makita niya ito. Agad niya itong pinatungan ng jacket at naglakad palayo habang nag uusap.
Bumuntong hininga siya at nawala ang mga inaasahan niyang dapat mangyari. Inalis na niya ang mga anong naiisip patungkol sa babae.
Sa kabilang banda ay nadismaya siya.
'Taken na pala.'
Pagdating sa babae meron siyang dalawang rules.
Una. Huwag pumatol sa taken. Hindi siya ganon kababa para patulan ang mga babaeng taken na. Kahit gusto pa ng babae, it's a No."
Pangalawa. Wag mag commit, mahirap mag risk sa isang relasyong walang kasiguraduhan.
Nahagip ng mata niya ang banyo kaya doon muna siya dumiretso. Maghihilamos nalang siya ng mukha.
Pagpasok niya ay agad niyang narinig ang usapan ng dalawang lalaki.
"Nakita mo ba yung Rivero?"
"Oo tol, angas nga eh."
"Talaga? Mayabang kamo."
"Isa siya sa pinakamagaling na sundalo sabi ng mga naririnig ko."
"Naririnig mo lang yun."
Walang imik na pumasok si TJ at naghilamos ng mukha. Walang malay ang lalaking dalawang naguusap na nasa likod lang nila ito.
"Hindi naman siguro tol, huling misyon niya daw sa Afghanistan ay gumawa siya ng desisyon niya na hindi inutos ng commander niya sa kanya. Mag isa lang niyang hinarap ang mga terorista doon."
"Kayabangan yon."
"Mukhang hindi dito yon nag training dahil grabe ang skills niya, napakagaling niya daw makipaglaban sabi ni Chief."
Napangisi doon si TJ matapos niyang maghilamos.
"Yun na nga eh, umaarte siyang mayabang na captain."
Nagpanting ang tenga niya sa masatsat na sinasabi ng isa.
Pinunasan niya ang mukha bago lumapit sa dalawang naguusap na umiihi na lalaki. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng dalawa at bumulong. "Captain naman talaga ang tawag sakin." ramdam niya ang gulat ng dalawa sa kanya.
"Ikaw si.." natandaan naman niya agad ang boses ng isa na halatang idol siya kaya nginitian niya ito.
"Mali ka, kasama ko parin ang team ko kahit hindi ko sinunod ang utos ni Commander." saka niya nilingon ang nakakairitang lalaki kanina na sinabihan siyang mayabang. "At ikaw naman, bago mo pansinin ang kayabangan ko.." bumaba ang tingin nito sa pangibabang bahagi nito. "Palakihin mo muna yan." tinapik niya ito bago lumabas ng banyo.
Narinig niya ang mga tawa sa loob ng banyo. May mga nakarinig pala at wala na siyang pakialam. Wala talagang nangyaring maganda ngayong araw nato para kay TJ.
"Ang yabang mo!" ramdam niya agad ang presensya ng taong susugod sa kanya mula sa likod.
Mabilis siyang humarap at sinalo ang suntok na dapat tatama sa mukha niya. Sisipain pa sana siya nito nang patirin niya ang magkabilang tuhod nito para mapaluhod.
Narinig niya ang ingay sa paligid na nagulat sa mabilis niyang pagkilos.
"Kulang ka pa sa training." kalmado niya lang sabi.
Namumula ang mukha nito sa galit at taas baba ang dibdib nito.
"Hindi mo ako mapapatay sa ganyan. Nagsasayang ka lang ng lakas." muli narinig ang ingay sa paligid.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng malakas na boses
Hindi niya alam kung bakit pero nairita siya sa boses ni Rain at gusto niya itong bugbogin.
"Ano ba sa tingin mo?" sagot niya naman dito.
"Hindi ito ang dapat na ginagawa mo ngayon." nahagip ng mata niya ang babaeng nakasilip sa malayo.
Agad siyang nairita sa hindi malamang rason.
Padabog niyang binitawan ang lalaki na halos balibag na ang ginawa niya. Napatingin siya sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Hindi ito ang lugar kung saan pwede siyang ngumiti. Ito ang lugar kung saan hindi niya pwede pagkatiwalaan ang bawat tao.
"Kung gusto mo akong labanan, mag training kang mabuti." sambit niya pa sa lalaki bago umalis.
Dire diretso nalang ito naglakad papuntang training ground. Nahagip niya pa ang bahagyang gulat sa reaksyon ng babae nang makita siya.
Bigla siyang nairita at nainis sa hindi malamang dahilan.
Gustong gusto na niya bumalik ng u.s. Dalawang taon na siyang nasa Pilipinas dahil sa misyon niya, hanggang ngayon wala parin siyang nahahagilap na matinding lead para makapagturo sa kinaroroonan ng taong hinahanap niya.
Si K.
--