"Rain!" sigaw ko mula sa kalayuan. Hindi ko alam bakit ako pinapunta ni Tito dito samantalang galing pa akong after shock sa nangyari. Lumapit ako at tinapik ko siya. Nagulat ito ng bahagya at pilit na ngumiti. "May problema ba?" umiling lang siya.
"Wala meron lang kasing mayabang na bagong dating."
"Hmm? Sino?" tanong ko.
Pagkatapos ng tanong kong iyon ang siyang ingay sa di kalayuan at mga sigawan. Napatingin kami pareho doon at agad akong pinigilan ni Rain.
"Dito ka lang." tumango nalang ako at tiningnan ang kumpol na mga lalaking pulis sa malayo na nagsisigawan.
Nang magsalita si Rain ay natahimik lahat. "Woah." tahimik akong na amazed sa authority niya sa mga pulis. May isang lalaki ang naglakad palayo.
Parang pamilyar ang likod ng lalaking yon.
Maya maya pa ay nagwatak watak na ang mga nagkumpulan doon at kanya kanyang balik sa loob.
"Anong meron?" tanong ko nang makalapit siya sakin.
"Wala. Bakit nandito ka?" tanong niya na sasagutin ko palang sana nang tumunog ang phone niya at nakita ang tumatawag. "Hinahanap na tayo ni general. Tara na." sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang office.
Nang bumukas ang pinto ay bumungad sakin ang naka uniform na papa ni Rain. Sumaludo si Rain at bumati naman ako. "Hello po, general." awkward na sabi ko na tinawanan naman ni Tito Rody. "Awkward po noh? Kaya Tito nalang." lalo siyang natawa at lumapit sakin.
"Tama tito nalang. Parang hindi mo naman ako kilala." ngumiti ito at pinaupo ako sa sofa.
"Bakit niyo po pala ako pinapunta dito?" tanong ko.
"Narinig ko ang nangyari kaninang tanghali sayo. Ayos ka lang ba?" tumango ako kahit hindi parin ako okay.
"Ayos naman po." sagot ko.
"Anong nangyari kanina?" agad na tanong ni Rain na ngayon ay katabi ko.
"Mahabang kwento." I mouthed.
"Anong nangyari kay Liz kanina? Anong ibig mong sabihin pa?" tarantang tanong ni Rain.
"Nagkaroon ng barilan kanina dahil nagpakita si K." kalmadong sagot ni Tito Rody sa kanya. "Nagkaroon ng ingkwentro at nandoon si Lizette."
K na naman. Narinig ko na naman ang isang letra ng pangalan na yon.
"What? Barilan?!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Rain. "Hindi ba nagpadala ako ng police protection? At anong barilan yon? Bakit hindi mo ako tinawagan?" sunod sunod na tanong ni Rain.
"Kumalma ka Rain." sabi ni Tito kay Rain.
"O-Okay lang ako Rain. Kalma ka lang." sagot ko para naman medyo di siya mataranta.
"Ang sitwasyon ay mas seryoso pa sa inaakala namin, dahil nakaharap mo kanina ang isa sa mga matagal na naming hinahanap." paliwanag ni Tito Rody sakin.
"Hinahanap?" tumango ito at bumuntong hininga.
"Isang wanted na isa isa pinakamataas na lider ng sindikato sa russia, pati rin dito sa asya." nanlamig ako sa sinagot ni Tito Rody sakin.
"Pa." bantang tawag ni Rain sa kanya.
"Kailangan mo magka malay sa sitwasyon dahil hindi na basta basta ang pangyayari Lizette." bigla akong kinabahan sa takot. "Hindi kita tinatakot. Sisiguraduhin ko na magiging ligtas ka, nakahanap na ako ng isang tao na magbabantay sayo."
"Pero hindi po ba may pinadala na kayo sa hotel?" umiling siya bilang sagot.
Napatigil ako at napalingon kami sa tunog ng pagbukas ng pinto.
Napatayo ako sa gulat.
Bahagya rin siyang nagulat pero unti unting lumiwanag ang mukha niya na parang natuwa siya sa pangyayaring ito.
"Siya si Captain TJ Rivero. Siya muna ang magbabantay sayo habang nilulutas pa ang kaso." paliwanag ni Tito Rody.
What?
"Ayan ang magbabantay sakin? Eh iniwan nga po ako niyan pagkatapos dumating ng ibang pulis. Ingat daw ako--" sunod sunod na sabi ko na pinutol naman agad niya.
"Nagmamadali kasi ako kanina. Isa pa pinabantay naman kita ng maigi sa ibang pulis na dumating ah? Nagpatawag pa ako ng medical team para sayo, pero wala ka na." halos mapairap ako sa sinabi niya.
Malamang umuwi ako saglit para magbihis dahil nadumihan ang uniform ko.
"So utang na loob ko pa yon eh pulis ka?"
"Hindi nga ako pulis." halatang inis na sabi niya.
"Kung ganon hindi ko na kayo kailangan sabihan pa dahil tingin ko ay magkakilala na kayo." singig ni Tito Rody.
"Hindi ba pwedeng ako nalang ang i assign nyo sa trabaho na yan general?" biglang pormal na tanong ni Rain sa papa niya.
"Ikaw ang team leader ng kasong hawak mo ngayon. Kung babantayan mo si Lizette sino ang mamumuno ng team mo? Isa pa, hayaan mo na si Rivero tutal eh parusa naman yan sa kanya bago ulit siya bumalik sa tunay na posisyon niya." paliwanag pa ni Tito Rody. "Oh siya at pagabi na. Rivero, ihatid mo na si Lizette." sumaludo ang lalaking iyon at sumagot.
"Yes sir." tumingin siya sakin at ngumiti. "Shall we?" pagod akong tumingin kay Tito Rody at nagpaalam.
"Una nako Tito." pati narin kay Rain. "Okay lang ako Rain, promise. Una nako." ngumiti ako at sumunod sa labas kay.. sino nga ulit to.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ay nilahad niya ang kamay niya.
"Trivion Jude Rivero." natulala ako saglit sa biglaang kilos niya at inabot ko rin agad. "Call me Triv."
"Lizette Ching." sagot ko at nakipagkamay.
Napatigil ako nang may bigla siyang pinatong na jacket sa katawan ko. "Ako nilalamig sa suot mo." napatingin ako sa suot ko at agad nahiya.
May part time pa kasi dapat akong gig pagkatapos nito. Hindi nalang ako sumagot at patuloy kaming naglakad hanggang makalabas.
"May galit ka ba sakin?" biglaang tanong niya.
"Meron. Iniwan mo ako pagkatapos mo akong kaladkarin kanina." mahinang sagot ko at hindi siya nilingon.
"May pinagawa kasi yung boss namin sakin. Medyo alanganin kasi posisyon ko sa trabaho eh." paliwanag niya.
"Bat naman? Nangongotong ka?" natawa siya.
"Hindi nga ako pulis. Sundalo ako." napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil andami ko gusto malaman sa kanya pero nakakahiya naman magtanong samantalang kakikilala lang namin.
"Pero bakit nandito ka?"
"Parusa lang." nang makalabas kami ay binuksan niya ang pintuan ng isang kotse at pinaupo ako sa passenger seat.
Pagabi na nga at medyo dumidilim narin ang daan. Bigla rin ako nakaramdam ng antok. "Safe person ka ba?" napatingin siya sakin na ngayon ay nasa driver seat na.
Pinaandar niya ang makina at sumagot. "Huwag ka mag alala. Safe ka sakin." napangiwi ako sa sagot niya.
"Ang tunog pervert mo naman." natawa siya sakin at umiling
"Mabuti nalang talaga dise-otso kana" rinig kong bulong niya. "Sure ka bang eighteen kana?" tanong nito saken habang nagdadriver.
"Paano mo nalaman? At bakit mo tinatanong?"
"Wala lang. You don't look eighteen at all." sagot niya.
Madalas ko marinig ang ganon, pero nakakainis pag sa kanya galing.
"Dapat ba akong ma offend diyan?" tumawa siya at umiling. "And nineteen nako next next week noh. Anyway, ano ba dapat kong tawag sayo? Kuya or--" pinutol niya agad ako.
"Triv."
"Okay." tipid na sagot ko kahit hindi ko maintindihan kung bakit yon ang gusto niyang tawag ko sa kanya.
"Pwede magtanong?" out of the blue niyang sabi.
"Nagtatanong kana."
"Kaano ano mo si General pati yung anak niya?"
"Ah si Tito Rody? Ninong ko siya actually, si Rain naman obviously, kinakapatid ko. Mabait na kaibigan ko." sagot ko at napatingin sa kanya. "Bakit?" nagtaka ako sa bahagyang ngisi niya.
"Wala. Birthday mo na pala next next week, ano balak mo?" napatingin ako sa kanya at pinaningkitan ko ng mata. Napatingin siya sakin at napangisi. "Sabi mo kasi kanina nineteen kana next next week so anong balak mo?" saka ko lang narealize na sinabi ko nga pala.
"Wala. Dapat ba i celebrate ang birthday? Eh hindi naman ako masayang pinanganak ako." inayos ko ang seatbelt ko at sumandal sa bintana para tingnan ang langit.
"Paano pala kung merong tao na masaya kasi pinanganak ka?" gusto kong matawa.
"Si Billy lang siguro nakakaramdam nyan kung ganon." sagot ko.
"Billy? Sino si Billy?" sasagot palang ako nang tumunog ang phone niya.
Si Billy ang pusa kong iniwan kila Grace.
Naramdaman kong sinagot niya muna ang tawag. "Sir. Opo, hinahatid ko na siya pauwi." napalingon ako sa kanya.
Si Tito Rody siguro.
"Bathhouse? Ako?" nagulat ako nang ipark niya saglit sa isang gilid. Napakapit ako sa seatbelt sa ginawa niya. Mukha siyang stress agad. "Akala ko ba eto na ang parusa ko?" sabay tingin sakin. Parang nakaka offend naman yung word na parusa.
"Pero hindi po ba trabaho ng pulis yan--hindi sa ganon sir-hello? Sir." inis niyang binaba ang phone habang ako nakatingin lang sa kanya. In fairness sa kanya, kalmado parin kahit halatang inis.
"Si Tito Rody ba yon?" mahinang tanong ko.
"Oo. Pinapapunta niya ako sa isang bathhouse, may raid kasi mga pulis doon." tumango tango ako.
"Bakit ka pinatawag? Hindi ka pulis diba? Bakit kailangan ka doon?" tanong ko.
"Parusa." buntong hininga nya sabay tingin sakin.
"K-Kanina ka pa tingin ng tingin sakin tuwing binabanggit mo parusa ah!" natawa siya. "Nakakatawa yon?" sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto ko bang maka witness ng kung ano ano at magpabantay sa inyo." inis na bulong ko.
"Nakwento sakin ni commander ang nangyari sa bar, paano ka nga pala nakaalis doon? Hindi ba nakita ka nila?" napalunok ako at tumikhim.
"Wala. Tumakbo lang ako ng mabilis hanggang makarating ng police station." mabilis na sagot ko.
Oo nga pala, hindi pa ako nagbibigay ng statement sa pulis.
Naalala ko tuloy ang nangyari noong gabing yon.
"Do you wanna get caught?" napalunok ako sa lalim ng boses ng lalaki. Umiling ako sa tanong niya. "Then shut up." dumoble ang kaba ko kahit mabango siya.
Kinakabahan ako dahil nakakatakot ang lalaking kaharap ko.
"Nasaan na sila? Dito lang dumaan yung mga yon eh! Hanapin niyo!"
Nang naramdaman kong nakalayo na ang mga lalaki ay pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Hindi ko maaninang ang mukha niya at tanging bibig niya lang ang nakikita ko. Madilim sa banda niya at matangkad pa siya plus hindi 20/20 ang vision ko kaya hindi ko siya makita. Tinanggal niya ang kamay niya at inangat ito patakip sa mata ko. Napasinghap ako nang pumunta siya sa likod ko habang takip takip ang mata ko.
"A-Anong ginagawa mo?" kinakabahan na sabi ko.
"Stay still." mahina na sabi niya.
Ibig sabihin hind niya kasama ang mga lalaki doon?"
"B-Bakit mo tinatakpan ang mata ko?" takot na tanong ko.
Hindi siya nagsalita at dahan dahan kaming naglakad. Nanginginig akong naglakad kung saan niya inaalalayan ako papunta.
Maya maya ay tumigil kami. Naramdaman kong pumunta siya sa harap ko. Nang tatanggalin niya na ang kamay sa mata ko ay mariin akong pumikit dahil nakakatakot ang isang to. Bahagya akong nagulat at kinabahan nang kunin niya ang dalawang kamay ko at nilagay sa dalawang tenga ko.
Pinakiramdaman ko ang kamay niya na halos sakop na ang maliit na kamay ko, nakasuot pa siya ng gloves.
Napaatras ako nang bigla siyang bumulong "On a count of ten, I want you to leave here." sabi niya bago nilagay ang mga kamay ko sa dalawa kong tenga. "Start." narinig ko pa ang yapak niya papalayo.
Nagbilang ako hanggang sampo. Bawat bilang ko ay pakiramdam ko may kung anong mag aabduct sakin dito. "..10!" huling bilang ko bago ko buksan ko ang mga mata ko.
Wala na siya. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Tahimik at wala na ni isang tao. Parang tumahimik ang buong lugar, wala naring tugtog.
Anong nangyari?
Isa pa, paano niya ako nadala dito?
Saka ko lang narealize na malapit na ako sa isang pintuan na may nakasulat na exit. Naglakad ako palapit doon at lumabas.
"Cezam!" nabalik ako sa realidad nang may humawak sa akin. Napatingin ako sa lalaking kasama ko nga pala ngayon.
"O-Oh?"
"Ayos ka lang?" tumango ako at huminga ng malalim.
"Teka. Anong sabi mo che? Che ano?" litong lito na tanong ko na inulit niya naman.
"Cezam, turkish yon."
"At ano ibig sabihin?" lumapit siya sakin at ako naman sige lapit para pakinggan pero lalo lang akong nainis sa sinabi niya.
"Secret." sabi niya bago pinaandar ang makina at lumiko sa kabilang kalsada.
--