KISB 5 - Owner

1931 Words
"Ihahatid muna kita sa hotel. Gusto mo ba muna kumain?" tanong ng lalaking katabi ko ngayon sa kotse. "Secret." flat na sagot ko na tinawa niya lang. "Attitude mo naman. Ihahatid kana nga eh." natatawa niyang sabi. Anong attitude? May part time ako noh. Nakakainis nga lang dahil hindi pa pala ako pwede mag gala. Biglang tumunog ang phone niya na agad naman niyang sinagot gamit ang bluetooth earpiece. "Sir. Ngayon na?" napatingin siya sa akin bago uli sumagot. "Yes sir. Sige po." nang binaba niya ang tawag ay biglang liko nya ng sasakyan. "Bakit daw?" "Andon na sila." tumango nalang ako hinintay na makarating sa sinasabi niyang lugar. Nang makarating kami sa isang lugar kung saan andaming tabi tabi na bathhouse at kung ano anong hotel. "May raid dito?" tumango siya at kinalas ang seatbelt niya. "Dito ka lang. Huwag na huwag kang lalabas." sabi niya bago bumaba ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya at nahagip ng mata ko ang isang lalaking nasa hindi kalayuan na para bang kanina pa nakatingin sakin. Nang patuloy ko rin siyang tingnan ay bigla siyang tumalikod at naglakad papalayo. Nagiging paranoid na ako simula ng kung ano anong maranasan ko. Umiling iling ako at bumuga ng hangin. Nilibot libot ko ang tingin ko sa kotse ni Triv at binuksan ang glove compartment niya para malaman ano meron. Hindi na ako nagulat sa bumungad sakin ang isang baril. Meron ding kung ano anong device. Kaso ang nagpamangha sakin ay meron siyang hip flask. Natatawa ko itong kinuha at agad kinunan ng picture. Huli ka. "Alagad ka pa naman ng batas tapos may alak ka dito?" iling iling na bulong ko. Binuksan ko ito at inamoy. Napangiti ako at agad hinalungkat ang isang bote ng tubig sa bag ko. Hindi ko namalayan ang oras na lumipas sa pag iinom ko. Napakatagal ng isang yon. Naubos ko na ang alak niya lahat lahat wala parin siya. Naramdaman ko ang konting hilo na lalong kinatuwa ko. Napagusapan na yata namin ng sarili ko lahat ng problema ko ay wala parin ang isang yon. Nakakamiss rin pala ang uminom. Nang sasandal nako sa upuan ay hinanap ko ang switch. May something na switch dito para makahiga eh "Aaahh!" napasigaw ako ng bigla akong napahiga. "Automatic ba tong upuan niya?" natulala nalang ako at dinadapuan na ng antok. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ng gusto kong pumunta ng cr. Pero habang pinipilit kong matulog lalo kong di mapigilan, mamaya sumabog pantog ko. Bumangon ako at grabe nalang ang hilong naramdaman ko sa biglang bangon kong yon. Grabeng alak naman yon, napakakonti lang non pero bakit sobrang sakit ng ulo ko? Malakas naman akong uminom dati alam ko, ngayon lang ako nahilo ng ganon kabilis. Hinilot hilot ko muna ang ulo ko bago ako nagpasyang lumabas. Napayakap pa ako sa sarili ko sa sobrang lamig. Mabuti nalang suot ko ang jacket niya. Nang maglalakad na ako papasok ay napahawak ako sa ulo ko sa sobrang hilo. Dahan dahan akong pumasok at pilit na inaayos ang sarili ko. Sa kabilang pintuan ako duman dahil hindi bukas ang main na pinasukan kanina ni Triv. Pwede kaya makigamit ng cr dito sa bathhouse na to? Pagpasok ko palang ay walang taong bumungad sakin. Mukha itong simpleng bathhouse pero may class. Pero wala man lang guard o ano. Siguro nasa taas dahil naririnig ko ang ingay doon. Naglakad lakad pa ako papasok hanggang sa makarating ako sa pool area. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at wala ring tao. Nang mahagip ng mata ko ang isang cr ay agad akong pumunta doon. Hindi ko na maalala paano ako nakapasok ng cubicle at nakaidlip doon. Ang pagkakaalala ko ay pumikit lang ako ng saglit pero parang tumagal yata ako doon. "Nakaidlip lang naman ako diba?" baliw na tanong ko sa sarili ko. Nang tingnan ko ang relo ko ay nanlula ako sa oras. 30 minutes akong umidlip ditong nakaupo?! "Mahal? Oo pauwi na ako! Aylabyu! Oo mag iingat ako" Napanganga ako at napatakip ng bibig sa gulat. Boses ng matandang lalaki. Bakit may lalaki sa cr na to? Narinig ko ang paglabas niya at pag locked ng pinto. Nang pinakiramdaman ko ng walang tao sa loob ay unti unti kong binuksan ang pinto ng cubicle at dumiretso palabas. Pero napamura ako nang sunod sunod na boses ng nagtatawanan na lalaki ang papalapit sa cr. Agad akong bumalik sa cubicle kung saan ako galing kanina at tinakpan ang bibig ko. "I really enjoyed it man!" "This place is nice" "Pero may black market daw dito" "Hey! May makarinig sayo." Meron. Ako. Ibig sabihin ang bathhouse na sinasabi ng sundalong yon ay, exclusive for men?! "Totoo nga, hindi ko nga alam kung totoo pero my narinig akong usap usapan kanina may raid daw dito." "Raid? Paano magkaka raid dito eh nandito pa tayo. Kung may raid sinabihan sana tayo." "Gago. Kapag ba ang kriminal hinuli ng pulis magpapaalam pa siya kung pwede ba yun hulihin?" "Eto pa, ang may ari daw nito ang nagpapatakbo ng black market." "Black market? Hindi ba lahat ng illegal na pwedeng ibenta nandon?" "Nadale mo." "Hindi kaya mafia o gangster yung may ari nito?" "Nakita mo na ba may ari nito?" "Hindi nga daw nagpapakita, pangit siguro." Nagtawanan sila. "Alam niyo maligo nalang tayo." Bigla akong natanga sa mga narinig ko. Para akong aatakihin nang may humawak sa doorknob ng cubicle kung nasaan ako. "Maliligo ba tayo agad? May pool din naman sa taas maliligo din tayo ulit." Please. Wag muna kayo maligo! "Sige magpalit nalang muna tayo ng tuyo" Akala ko makakahinga na ako ng maluwag pero pinilit niyang buksan ang pintuan. "Sira ba to?" "Dito kana magbihis!" Thank you! Maya maya ay napagpasyahan na nila lumabas. At wala na akong sinayang na oras. Lumabas na rin ako. Tuwing may dadaan ay magtatago ako kahit saang gilid. Nang malapit na ako sa entrance ay bigla naman may mga naka topless na matatanda ang papunta sa bandang direksyon ko. Ilang mura na nagagawa ko sa isip ko sa sobra kong taranta. Abot abot ang kaba ko sa mga nakikita. Nagtago ko sa isang sulok kung saan hindi nila mapapansin na dadaan ako. Nang makalagpas na ang iba ay patakbo akong pupunta sana sa may entrance nang sunod sunod na lalaking nakaitim ang nagsitakbuhan. Sa sobrang gulat ko ay napatakbo ako sa elevator at dali daling pinindot ang kung ano anong button doon para lang magsara. Dali dali naman ito nagsara. Shit. Nasa elevator ako. Anong bubungad sakin pag nagbukas ito? Kinapa ko ang phone kong ngayon ko lang naisip isipin. Nanlumo ako ng maalalang iniwan ko sa bag dahil sa pagkakaalam ko makiki cr lang ako at hindi makiki tulog don. Nang tumunog ang elevator ay halos hindi nako huminga habang unti unti itong nagbukas. Hindi ako pumikit para walang gulatan. At nang bumukas ang pinto ay, wala. Walang tao. Nang lumabas ako ay siya naman liko ko sa kabilang daan dahil may mga paparating na mga matatabang parang mga miyembro ng sindikato na ewan. May raid nga daw pala ang pulis dito. Nang marinig ko ang yapak ay agad akong pumunta sa nakita kong emergency stairs para umakyat. Nasa fourth floor na pala ako. Umakyat ako at unti unti kong binuksan ang pinto kung may tao sa fifth floor. Nang marinig ko na walang ingay ay agad akong naglakad sa hallway. May nakita akong isang bukas na pinto at pinakinggan ko kung may tao sa loob.  Nang wala akong marinig ay lilipat na sana ako nang bigla na naman sunod sunod na yapak ang papalapit sakin. Agad akong nagtago. "May nakita ka bang babae?" "Ano bang sinasabi mo?" "May nakita ako pre. Naka skirt pa nga ng maganda eh" "Kulang ka lang sa tulog pre. Tara na kailangan pa natin mag ikot ikot. Mamaya pumunta ang mga pulis sa floor na to." What? Teka, alam nila na may pulis? "Mabuti na nga lang eh wala silang ebidensya na nakuha" Nagtawanan sila. "Kaya nga. Nakuha pa mga bata natin" Mga bata nila? Yung mga nagtatakbuhan sa lobby kanina? "Pakakawalan din nila yon. Wala silang nakuhang kung ano galing kay boss" "Kaya mga bobo ang pulis eh." Sabi nung isa at tumawa. "Pero may nakita talaga akong babae dito eh" Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sakin dahil sa init na nararamdaman ko. Nakakalakad ako pero mabigat parin ang ulo at paningin ko. Sumandal ako sa pinto at agad silang napalingon sa direksyon ko. "Sabi ko na nga ba eh!" Agad akong tumakbo at pilit kong inaayos ang tingin ko sa daan dahil bahagyang umiikot parin ang paningin ko. Nang wala na akong makitang matakbuhan ay natapat ako sa isang shower room. No choice. Bahala na. Wala sa sariling pumasok ako doon at naghanap ng walang tao. Agad akong pumasok sa isang shower cubicle doon at maiging sinara ang pinto. Wait. Bakit walang lock? Naiiyak na ako sa frustration. Napaupo nalang ako sa bahagyang sakit ng ulo ko. Gaano ba katapang ang alak na yon at ganito ang epekto? Hindi naman agad ako tinatamaan ng ganito kabilis tulad ng dati. Napatigil nalang ako nang may dalawang pares ng paa sa harap ko. Naestatwa ako at parang anytime pwede akong mahimatay sa kaba. Nakasuot ito ng itim at makinang na sapatos. Nang tingalain ko ay isang lalaki ang naka itim na suit sa harap ko. Walang emosyon itong nakatingin sa akin. Unti unti akong tumayo habang nanginginig. Takot na baka anong gawin niya sa akin. Magsasalita palang ako nang takpan niya ang bibig ko dahilan para mapasandal ako sa pader. "May nakita ba kayong babae dito?" Nanlaki ang mata ko at natulala sa mga mata niya. Pamilyar ang mata niya sakin. Napatitig ako sa pagkakadepina ng panga niya habang nakatagilid sakin. Ang matangos niyang ilong at mapungay niyang mata ay talaga namang bumagay sa hugis ng mukha niya. Halos mapasinghap pa ako nang biglang umagos ang shower mula sa akin. Hindi ako nakakilos habang nasa bibig ko ang kamay niya. Napapikit ako ng mariin. Maya maya ay inalis niya ang pag takip sa bibig ko. Napadilat ako sa ginawa niya at walang sabi siyang lumabas. Wala man lang akong narinig na kahit anong ingay nung lumabas siya. Ang mga kaninang tunog ng shower ay biglang tumigil. Mahihinang yapak na papalayo ang sunod sunod na nawala. Anong nangyari? Sisilipin ko palang kung anong meron nang bigla ulit siyang pumasok. Napalunok ako at agad nag sorry. "S-Sorry." napaatras ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin. "You're drunk." napalunok ako sa napakalalim niyang boses. "B-Bakit mo ko binasa?" "You're sweating." flat na sagot niya. His hoarse voiced sent chills down to my body. It was cold and husky. "Your clothes are here. You can lock the door" rinig ko pang sabi nito bago ko narinig ang pagsara ng pinto. Natanga ako sa mga sinabi niya pagkalabas ko sa shower cubicle ay may nakita akong isang paper bag sa gilid. Napatakip ako ng bibig sa gulat. Kailan niya yan binili ang mga ito? Tiningnan ko ang buong paligid at wala na ni isang tao. Paano nangyari yon? Gulong gulo man ay mabilisan akong nag bihis, hindi ako pwedeng magtagal dito. Isa pa, malamang hinahanap na ako ng sundalong yon. Nagbihis ako at nang tingnan ko ang damit ay isa itong sweater na malaki at isang shorts na hindi kaiklian at adjustable. Agad akong lumabas at nakita ko ang lalaking nagligtas sakin kanina. Am I that drunk or he's just too much to stare at? "T-Thank you. Hindi ko alam ang gagawin kanina kung wala ka." agad na sabi ko. Hindi naman siya umimik at tiningnan lang ako. There's something about his stares that makes me wonder who he is. Napakabigat ng tingin na binibigay niya sa akin. "Uhm, babayaran kita dito. Staff ka ba dito sa bathhouse?" curious na tanong ko. Saka lang ng sink in sakin. "Ah kaya pala napawala mo yung mga tao kanina--" "I own this place." Nabitawan ko ang paper bag na hawak ko sa sinabi niya. Pinulot niya naman agad ito at inabot sakin. Nanginginig ko naman itong inabot. Kung hindi ako nagkakamali sa narinig kong usap kanina ng dalawang lalaki, ang may ari ang nagpapatakbo dito ng mga illegal na bagay. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD