KISB 6 - The Wanted

1976 Words
Patuloy na tumatakbo ang isang lalaki na may daplis ng bala sa tagiliran. Patuloy ang takbo niya hanggang sa may mabangga siyang isang babae dumaing pa ito pero wala na siyang panahon para dito. "Ayun siya!" sigaw ng mga pulis habang nagpapaputok ng baril. Nagkagulo na doon ang mga tao at nagtatakbuhan. Hindi niya maintindihan gaano kadesperado ang mga pulis na yon na mahuli siya. Nang kapain niya ang bulsa niya ay napansin niya na nawala ang usb. Umakyat siya sa isang pader at pasimpleng lumusot sa isang iskinita para lituhin ang mga pulis. "Akyatin niyo!" rinig niyang sigaw ng isang pulis sa malayo. Kita niya ang isang sniper na dahilan ng daplis niya. Binalikan niya ang babae na nakita niya naman agad. "Hey." tawag niya dito. "Hand it over." sabi nito sa paos na boses. Nakita niya ang maamong mukha ng isang  babaeng takot. "S-Sayo ba ito?" parang batang tanong nito. "Yes." napakalamig na sagot niya. Nanginginig ang kamay ng babaeng inabot ito sa kanya. Nang marinig niya ang yapak ng mga pulis ay nilapitan niya ito para hindi siya maaninag sa kaunting ilaw sa bandang likod niya. "Do not move." mabagal na sabi niya na lalong nagpanginig ng tuhod ng babae. Hahawakan niya palang ito nang sumulpot na naman ang lalaking nakasuot ng swat kanina sa likod ng babae. Alam niya na ang lalaking ito ay hindi pulis. Sundalo ito. Naging miyembro ng isang nakamamatay na grupo ng sundalo sa u.s. Alam niya dahil nakalaban niya ito. "P-Pulis kayo?" tanong ng babae. Ngunit nagsukatan sila ng tingin ng lalaking kaharap niya. Naramdaman niya ang kirot ng sugat niya sa tagiliran. Mabilis siyang lumapit sa babae at pinulot ang usb. Agad siyang tumakbo papalayo kahit patuloy ang pagbaril ng lalaking sniper sa kanya sa rooftop ng kabilang building. Nang makalayo na siya ay agad niyang hinanap ang kotse niya at pinaharurot iyon palayo. Mayroon pang humahabol sa kanya sa likod kaya wala siyang choice kundi ang dumaan sa highway ng mga underpass para makatakas siya gamit ang dilim nito. Nang makalayo layo siya ay iniwan niya ang kotse sa gilid at pinasabog ito. Agad naman dumating ang isang kotse pa para sunduin siya. "Boss! Ayos lang ba kayo?" irita nya itong tiningnan at pikit na pumasok sa likurang upuan. "Sa villa tayo." hinihingal na sabi nito. "Y-Yes boss." sagot nito bago tarantang pinaandar ang kotse. Naisip niya agad ang lalaking sundalo kanina. Nakita niya na ito noon nang inutusan niya ang mga tauhan niyang pasukin ang isang security safe sa america. Nabugbog nito halos ang mga tauhan niya at nang mag background check siya dito ay nalaman niyang kasama ito sa isang deadly group sa loob ng navy kung saan sanay na sanay sa torture at gulo. Naisip niya agad na nandito ang lalaki para sa kanya. Sa mundo ng isang taong tulad ni KED, normal na ang araw na ito sa kanya. Ang usb na kinuha niya ay ang access para sa isang terrorist attack na ipapadala sa mga terrorist group sa ibang bansa. Nakuha ng isang detective ang usb na yon dahil sa katangahan ng isa niyang tauhan at wala siyang mautusan na gagawa ng maayos na trabaho para dito.  Name: KED Code Name: K Si KED ay dating miyembro ng terrorist group, ang impluwensya niya sa lahat ng illegal na gawain ay malaki. Ngayon ay hawak niya ang ibat ibang leader ng chinese, korean at japanese gang. Hindi siya mahawakan ng pulisya dahil walang impormasyong makalap tungkol sa kaniya. Wala pang nakakakita ng totoo niyang mukha. Kahit na driver niya ngayon na nagtatrabaho sa kanya sa loob ng ilang taon ay hindi pa nakikita ang mukha niya. "Stay lie low for a while." tumango ang driver. "Yes boss." "Kailan ang raid?" tanong niya na agad naman siyang inabutan ng iPad para ipakita ang footage ng cctv sa pulisya. Mahirap mahuli si KED. Bago pa gumalaw ang batas, hawak na niya ang alas. Ang isa sa mataas na chief ng pulisya ay nasa panig nila. Naglagay din siya ng cctv sa loob kung saan pinaplano na pala nila ang paghuli sa kanya. Pinanood niya ang kilos ng mga pulis sa loob kung saan kitang kita niya ang operasyon na gagawin nila. "Mamayang gabi sila kikilos. Sa bathhouse--" "I told you to take care of this f*****g mess." mahina at puno ng irita na sabi ni KED. "S-Sorry boss. Ako na po ang bahala bukas." takot na sagot nito. "Shut the hell up and just drive." matigas na sabi nito na siya namang nagpakaba sa driver. Hindi na rin sumagot pa ang driver dahil sa takot. Sa kalagitnaan ng byahe biglang pumasok sa isip niya ang isang babae. "May ipapahanap ako sayo." huling sabi niya at hindi na umimik buong byahe. Pagkadating nila ng villa ay dumiretso ang kotse sa likod na daan para doon pumasok. Ginamit niya ang elevator para doon dumaan paakyat ng diretso sa mismong kwarto niya. Iritado niyang tinanggal ag suot na black neck gaiter mask na ginagamit niya tuwing siya ay lalabas at makikipaglaban. Kinuha niya ang first aid para gamutin ang sariling sugat. Natutunan niya sa mga nagdaang taon at mga pangyayari ang paggamot sa sarili. Sanay na siya sa ganitong buhay. Marami siyang tauhan na hawak pero ang lahat ng iyon ay hindi niya kilala. Gamit niya lang ang mga ito para pang ayos ng gulo sa bawat gagawin niya. Ngayon lang ulit siya nabaril ng ganito. Agad pumasok sa isip niya ang lalaking nakita niya sa rooftop kanina. Isang sniper. Halatang sanay na sanay ito sa baril dahil natamaan niya ang isang KED. Tagaktak ang pawis sa sakit sa paggamot niya sa sarili. Taas baba ang dibdib niya habang iniinda ang sakit. Daplis lang ng bala ang tinamo niya pero medyo malalim ang sugat. Nang matapos niyang gamutin at linisin ang sugat ay napatingin siya sa orasan. 5:00 p.m. Pumasok siya sa isa pang kwarto mula sa kanyang sala. Ang kwartong ito ay naglalaman ng lahat ng cctv na nagaganap sa pulisya sa ibat ibang estasyon. Dito niya pinapanood ang mga galaw ng pulis simula nang simulan ang imbestigasyon sa kanya. Biglang pumasok sa isip niya ang babaeng nakapulot ng usb kanina. Naalala niya ang pagtawag ng isang tauhan niya habang pinapanood niya noong gabing yon ang babae. "Patay na lahat ng tauhan natin nang makarating kami sa lugar boss. May babaeng witness daw pero h-hindi na namin siya nakita." "Obviously." sagot pa niya habang nakatingin sa screen. "Hahanapin namin siya boss--" "No. I'll get her." "A-Ano ng gusto niyong gawin namin?" "Kill your men. They're all useless. You can include yourself too if you want."  Patuloy niya lang tinitigan ang babae sa screen at nag isip ng malalim. Maya maya ay tumawag siya sa isang hotel kung saan naka stay in ang babae at nag book ng suite mula sa tabi nito. Pero nagulat siya sa sagot ng staff sa hotel. "Sorry sir but that room is already taken." napakunot ang noo niya at saglit natahimik. Fucker. Its my hotel. Ani KED sa isip. "Then I'll take the next room." binaba niya ang tawag at muling napatingin sa babae. Bahagyang sumilay ang kanyang labi. Tinawagan niya ang driver niya kanina, na isang tauhan niya ding mataas ang posisyon sa grupo nila. "Anong oras darating ang mga pulis dyan?" [Mga alas syete boss. Sunduin ba kita? Ayos na ba ang pakiramdam niyo--] Binaba niya ang tawag at dumiretso ng banyo. Mabilis siyang naligo at nag ayos. Napainda siya saglit sa biglang pagkirot ng tagiliran niya dahil sa daplis ng bala. Nagsuot siya ng isang itim na suit at bumyahe papunta sa bathhouse na pagmamay ari niya. Hindi tinuturing ni KED na leader ang sarili niya, marahil ay napakalaki ng impluwensya at napakagaling niyang humawak ng illegal business. Lahat ng lumalapit sa kanya ay tinuturing niyang utusan. Mga nagtatrabaho sa kanya para kumita ng pera. Wala siyang kahit anong emosyon para sa mga taong nasa paligid niya. Ang ginagawa niyang mga illegal ay parte na ng kanyang buhay. Bakit ba may batas? Kung pwede naman siya ang gumawa ng batas. Bakit kailangan gumawa ng mabuti, kung mas masarap gumawa ng masasama. Ayon ang kanyang pananaw sa buhay. Lahat ng bagay ay ginagawa niya hindi para sumaya, kung hindi para matupad niya ang sinimulan ng kanyang ama na kung saan ay kilalang leader ng mafia sa russia. Nag iisa lang siyang anak at ang lahat ng kinalakihan niya ay ipagpapatuloy niya. Hawak ni KED ang malalaking grupo ng gang sa ibat ibang bansa sa asya. Ang landas na ito ay hindi niya maiiwasan. Ito ang buhay niya. Ilang oras na byahe bago niya narating ang bathhouse ay agad siyang dumiretso sa floor kung nasaan ang security room. Ginamit niya ang likod na entrance kung saan siya lang ang nakakaalam. Sinabihan niya ang mga tauhan niya na walang gagawi sa 6th floor kung hindi siya lamang. Agad siyang pumasok dito at prenteng umupo habang pinapanood lahat ng nangyayari sa baba. May mga dumating na limang pulis at iba pang mga patrol na kasa kasama nila. Sayang sa oras. Ang kanina pa iniisip ni KED. Naiinip siyang maghintay ng magandang mangyayari habang nanonood. Ilang saglit pa ay nahagip ng cctv ang isang babae sa fifth floor. Naningkit ang mata niya at pina full screen ang camera ng floor na yon. Saka niya lang narealize na ang babaeng yon ang nakita niya kaninang tanghali. Nakatingin lang siya sa bawat kilos nito. "She's drunk." bulong ni KED habang nanonood. Tarantang pabalik balik ang babae kapag may mga tao. Hindi na namalayan ni KED ang mga ginagawa ng tauhan niya at ng mga pulis sa first floor dahil sa naka pokus siya sa babae. Nang makita niyang papalapit ang babae sa isang shower room ay agad tumayo si KED at kumilos. Tumawag siya sa driver na kanyang utusan. "Block the fifth floor." [Yes boss.] Tinext niya pa na bilhan ito ng damit pambabae dahil naiilang siyang sabihin yon sa tawag. At kasalukuyan na nga niyang kaharap ang babae matapos niyang sundan ito hanggang shower room. Ang lahat ng lalaki doon ay namukhaan niya. Nakita pa ng mga ito ang mukha niya kaya't inutusan niya ang driver niya na asikasuhin ang mga ito. Bago ito umalis ay may inutos siya dito. Kanina pa siya nakakaramdam na parang mayroong nagmamatiyag sa kanya. Inutusan niya itong puntahan ang security room dahil alam niyang may tumatanaw sa kanya mula sa CCTV. Tinitigan niya ang babae. Gusto niyang humanga sa katapangan nito dahil nagagawa niyang gumala sa lugar na ito na punong puno ng mga lalaki. "T-Thank you. Hindi ko alam ang gagawin kanina kung wala ka." agad na sabi nito Di naman siya umimik at tiningnan lang ang babae. "Uhm, babayaran kita dito. Staff ka ba dito sa bathhouse?" curious na tanong nito. "Ah kaya pala napawala mo yung mga tao kanina--" "I own this place." nabitawan nito ang paper bag na agad naman niyang pinulot at inabot sa babae. Maganda ang babae. Iyon ang agad sumagi sa isip niya. Hindi niya alam na ang pagharap ng ganito sa isang tao ay mararanasan niya. Ang titigan siya pabalik, mata sa mata. Simula noon pa man ay wala ng tumingin ng diretso sa kanyang mata kahit pa ang pamilya niya sa russia. Pero ang babaeng ito ay nakakatawa, hindi lang man niya kilala si KED at hindi lang man nag abala pang mag suot ng kahit anong mask para humarap sa babae. Hindi ito ang unang beses na niligtas niya ito. Magsasalita palang ang babae nang hilahin niya ito dahil may narinig siyang ingay na mula sa kakabukas na elevator. Alerto siya at agad pumunta sa tagong gilid. "Teka, bat tayo nagtatago?" "What do you think?" sagot ni KED habang nakatingin sa daan kung nasaan nagmumula ang ingay. "Sabi mo may ari ka--" tinakpan niya ang bibig nito. "Shut up." kalmado at iritadong sabi nito habang takip ang bibig niya. Tinanggal ito ng babae at hinarap siya. Lumayo siya ng bahagya dito. "Sabihin mo may ari ka ba talaga dito o sindikato? Bakit ka nagtatago--" "Both." walang pakialam na sagot ni KED. "Both? A-Ano? Anong both?!" hysterical na tanong nito. Magsasalita pa lamang ito nang may tumawag sa kanya sa di kalayuan. "Liz!" Pagharap ng babae ay wala na ang lalaking nagsabing may ari ng lugar na iyon. "Saan na yon?" bulong ng babae. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD