Tahimik lang akong naupo sa backseat habang pinapanood na nagtatalo si Rain pati si Triv.
"Napapahamak si Lizette ng dahil sayo!"
"Iuuwi ko na siya sa hotel."
"No. You know what? Hindi ko alam kung tama bang kinuha ka na bodyguard ni Lizette. Magaling ka ba talaga sa trabaho mo?"
"Alam kong nag aalala ka. Pero ako na ang bahala sa kanya."
"Ano--hoy kinakausap pa kita!"
I sighed.
Hindi ko na nakita ang lalaki kanina at hindi ko narin sinabi pa kila Rain ang tungkol sa kanya pagdating nila. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nalaman ako na hindi muna dapat ipagsabi sa kanila.
Nang pumasok siya sa kotse ay agad siyang nagsalita.
"Galit ba si Rain--" napalunok ako sa sunod sunod niyang salita.
"Sinabi ko na kasing dito ka lang sa kotse, bakit ka lumabas? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado doon?" inis na sermon sakin ng lalaking nasa driver seat. "Ininom mo pa yung alak." napatingin ako sa kanya na parang disappointed. "Galing pang U.S yon." bulong niya.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"U.S?" curious na tanong ko.
Anong kabayanihan ba ang ginawa niya doon at nakatanggap siya ng ganon?
"Oo. Bigay yan sakin, regalo yan at alam mo bang mahirap makakuha ng ganyang alak sa panahon ngayon?" nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.
Akala ko naman concern ang isang to, concern lang pala sa alak niya.
"Anong alak ba yon?" umismid siya at umiling iling. "Ano nga?"
"Absinthe!" inis na sagot niya at pinaandar ang kotse.
Napatakip ako muntik matawa. "Talaga? Kaya pala ang tapang." nilingon niya ako and nagsalubong ang kilay niya sa reaksyon ko.
Syempre mahilig ako sa alak kaya marami akong alam tungkol doon at ang sinasabi niya ay isa sa pinaka matapang na alak, sikat na alak yon sa america dahil nga sobrang taas ng alcohol non. Ang alam ko banned na yon kaya mahirap makahanap.
"Napakatapang non, mabuti nalang hindi ka tumumba." ngumisi lang ako. "Mukha ka naman lasinggera kasi." nawala ang ngisi ko at inis siyang nilingon.
"Gusto mo one on one?" napangisi siya at umiling iling.
Nang pinaandar niya na ang kotse ay nakita ko pang hinahabol kami ni Rain sa likod at sumisigaw.
"Si Rain, bat ka umalis agad?" tanong ko.
"Hayaan mo siya. Masyadong maingay."
"Magagalit yon."
"Edi magalit siya hanggang pagtanda." naubo ako sa sinabi niya. "Sa uulitin huwag ka basta basta makialam ng mga gamit na hindi sayo, naiintindihan mo?"
"Sus. Eh may flask ka nga dyan. Sumbong kita sa pulis eh." sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Anong ginawa mo sa fifth floor?" pagiiba niya ng topic.
Tumikhim ako at umayos ng upo sabay dumiretso ng tingin sa harap. "What do you mean?"
"What I mean is walang footage ng CCTV sa fifth floor. Nandoon ka." natahimik ako at tumingin sa labas. "May kasama ka." sabi niya na parang may alam siya. "Sinong nakita mo?"
"Wala."
"Tingin mo ba hindi ko alam na may kausap ka pagdating namin?"
"Alam mo na pala bakit ka nagtatanong." huminto ang sasakyan dahil sa mga tumatawid na tao.
"Hindi mo ba alam na lahat ng tao doon miyembro ng sindikato?" napalunok ako at hindi umimik. "At kung nagtagal ka doon baka nakita mo pa yung may ari ng lugar na yon." napalunok ako.
Nakita ko na nga yata.
"A-Ano ba meron sa may ari ng lugar na yon?" kinakabahang tanong ko.
"Matagal ng hinahanap ng pulis. Nasa list siya ng most wanted pero wala man lang picture o impormasyon about sa kanya kaya mahirap siya hanapin. He's a powerful man." paliwanag niya.
"Ibig sabihin leader siya ng isang powerful gang?"
"Gang? More like an organization. Lahat ng bumabangga sa kanila, namamatay. Pero hindi yon utos ng leader nila meron sila sari sariling kagustuhan para gumawa ng krimen." agad akong napaisip sa sinabi niya.
"Hindi ba parang unrealistic naman yan sa panahong ngayon?" tanong ko. "I mean kung gagawa sila ng krimen hindi ba nabalita na? May nagpost na sa kung saan saan o ano." umiling siya.
"Sinabi ko bang dito sa Pilipinas sila gumagawa ng krimen? Unrealistic para sayo dahil nasa Pilipinas ka, ibang usapan kapag konektado sa Japan at China. May malawak na connection ang boss nila sa china at japan. Dating member ng terrorist group ang boss nila." nanlaki ang mata ko sa gulat.
May ari ba talaga yung tumulong sakin kanina? No way. Kung tulad nga ng sinasabi niya na ganon ka lupit ang may ari non, hindi siya mag aatubiling tulungan ako.
"Wait. So you mean h-hindi niyo pa kilala ang may ari ng bathhouse na yon?" he nod.
"Chineck namin yung name ng may ari pero parang ibang tao yung nahahanap. Halatang planado niya na lahat. Kung saan saan mapupunta ang imbestigasyon kapag inalam ang may ari dahil ibang tao ang nakikita."
Natulala ako ng ilang saglit.
"Pero.." bigla akong napatingin sa kanya. "Si K ang hinala ko."
K na naman.
"May nakita ka diba?" lumunok ako at hindi umimik. "Sabihin mo na sa akin."
"Wala. S-Staff lang ang nakita ko." sana hindi niya nahalata ang kaba sa pagsagot ko. "Ibig sabihin pala ang laking kaso non? Pero bat alam mo ang tungkol dyan?" tinitigan niya ako ng matagal at alam kong hindi siya kumbinsido sa sinagot ko.
Huminga nalang siya ng malalim bago nag pokus sa pagmaneho.
"Nabasa ko lang yung mga incident report nila sa office ni Rain. Hindi ko rin alam bakit sinali ako sa team na assigned sa kaso na yan."
"Edi instant detective kana pala?" sumimangot siya.
"Hindi. Sinama lang ako pero ayaw nila paalam sakin kaso." tumango tango ako.
"Ah. Parang ikaw yung shield, kapag may kaaway ikaw bahala." halos umirap siya.
"Hindi. Tumigil ka." natawa ako sa reaction niya.
Nang makarating kami sa hotel ay agad akong nagpaalam at nag thank you sa kanya pero nagulat ako nang bumaba rin siya at binigay sa isang lalaking staff ng hotel ang susi niya. Ngumiti ang lalaki at pumasok sa kotse niya.
"Hindi sayo yung kotse?" tanong ko.
"Sira. Pina park ko." tumango ako. "Ano pa inaantay mo dyan? Tara na." agad naman akong sumunod sa kanya papasok.
"Pero di mo naman ako kailangan ihatid pa sa suite." nang kapkapan siya ng guard ay napigil pa ito ng ngiti.
Nang makapasok na kami ay nakita ko pang nag ngitian sa kilig yung ibang receptionist doon. Tiningnan ko ang lalaking kasama ko. He's body is very built. Batak na batak, naka shirt lang siua pero halata ang muscles sa katawan niya. I find it amusing, halata kasi sa kanya ang trabaho niya. Katawan niya palang mahuhulaan mo na agad kung saan siyang larangan ng trabaho galing. Mukha rin siyang may lahi, na curious tuloy ako kung saan siya pinanganak.
Sabay kaming naglakad sa hotel at kita ko ang tingin ng ibang staff sa kanya. Hindi kasi mapagkakailang pansin na pansin ang kaputian at katangkaran niya, dagdag pa ang lakad niya na napakatikas ng dating.
"Ano ulit full name mo?" pinindot niya ang button paakyat nang makarating kami sa elevator.
"Trivion Jude Rivero. Wala akong social media accounts, huwag mo na ako subukang hanapin." napailing nalang ako.
"Feeler." bulong ko
Kasabay ang pagbukas ng elevator sa harap namin, pumasok kami at pinindot ang 20th floor. Gulat ko siyang nilingon.
"Paano mo nalaman ang floor ko?" nagkibit balikat lang siya. "Stalker ka ba?" tumawa siya.
"Mas feeler ka yata." ngumuso ako at nilingon siya.
"Apaka mo." nilapit niya ang mukha niya sakin.
"Apaka gwapo?" napangiwi ako at tumingin ng diretso para hindi siya maharap.
Hindi ko tuloy malimutan ang pangalan niya. Kakaiba kasi at ngayon ko lang narinig.
"Trivion.." bulong ko.
Napaka unique ng name niya.
"Why? You like me?" napakurap ako nang bigla pa siyang yumuko at lumebel sakin para bumulong. "I mean, do you like my name?" inis ko siyang tinulak.
"Flirt." lumayo siya at napangisi.
"Bakit? Ganon ba lumandi ang mga kaedad mo?" hindi ako sumagot. "Huwag kang mag alala kapag nilandi kita baka hindi mo kayanin."
Kakakilala lang namin ngayong araw, napakalakas ng loob niya para magsalita ng mga ganong bagay samantalang hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya.
Tumunog ang elevator at bumukas ito. Nauna akong lumabas at hindi siya nilingon. Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya hinarap ko siya.
"Sige na, umuwi kana. Mag iingat ka." paalam ko. "Thank you sa.." natigil ako nang tumigil siya sa kwarto na katabi ng room ko at bigla nalang ni scan ang key card na hawak niya. "A-Anong.." napatakip akong bibig nang tumunog ito sign na nagbukas ang pinto.
Ngumiti siya at sumaludo pa. "Goodnight. Dream of me." sabi niya at pumasok sa loob.
Katabi pa ng kwarto ko talaga?
Nag enter ako ng password at pumasok sa loob. Natigil ako nang may naramdaman akong kakaiba sa kwarto. Saktong pagsara ng pintuan ay may tumakip ng bibig ko. Bumukas ang ilaw at apat na lalaki ang tumambad sa harap ko.
Ano na naman ba to?
"Soundproof ang kwarto na to. Kahit sumigaw ka walang nakakarinig." hinila nila ako paupo sa upuan.
Alam ko yun. Ako nakatira dito.
Tiningnan ko lang silang tatlo habang ang isa ay hawak ang magkabilang balikat ko. Napalunok ako at ininda sa loob loob ko ang gutom na nararamdaman.
"May ilan lang kaming katanungan." panimula ng isa. "Anong mukha ni boss?"
"Huh? Sinong boss?" gulong tanong ko.
"Hindi mo lang alam kung gaano kadelikado kapag nakita mo ang mukha ng boss namin." kunot noo ko silang tiningnan dahil wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.
Sinong boss ba nila tangina naman. Hindi pa pala tapos ang araw na to. Mula tanghali hanggang madaling araw may eksena. Pagod na pagod na ako ngayon araw. Dalawang araw ng sunod sunod na puro kung ano ano ang nararanasan ko.
"Sabihin mo sa amin ano ang itsura niya. Aalis kami ng mapayapa dito." bumuga ako ng hangin sa kaba at inis na nararamdaman ko.
Sinuri ko sila at hindi ako nakaramdam ng takot dahil kahit mismo ang isa sa kanila ay parang batang nakatingin sa kamay niya na parang hindi mapakali.
"Pagod na ako pwede bang sa ibang araw nalang kayo bumalik?" walang energy na sabi ko.
Pagod na pagod talaga ako ngayon, hindi kaya today.
"Tingin mo ba nakikipagbiruan kami dito?" pagod ko silang tiningnan.
Napahawak ako sa ulo ko at napapikit sa inis. "Ano ba gusto niyo gawin ko?" tanong ko.
Ewan ko pero hindi naman sila nakakatakot.
"Describe mo sa amin anong itsura niya, pagkatapos ay aalis na kami."
"M-Mamaya may baril kayo dyan ah" napabuntong hininga ang isa at lumapit sa harap ko.
"Miss. Napakahigpit ng security ng hotel na ito, kahit ang lighter namin kinuha ng guard." paliwanag niya pa.
Nakahinga naman ako ng maluwag doon.
"Okay, p-pero pwedeng favor?" nagtinginan pa sila bago tumango yung isa. "Pwedeng kumain? Tas proceed na tayo sa eksena niyo?"
Gutom na gutom nako dahil andaming ganap ngayong araw. Mabigat na rin ang ulo ko at gusto ko ng matulog.
--