"Gusto namin makita ang mukha ni boss. Nakita namin na kausap mo siya kanina." napanganga ako sa mga sinasabi nila. "Sinong boss?" takang tanong ko. "Yung kausap mo nga kanina sa bathhouse." Napatigil ako at narealize na ang lalaki kaninang tumulong sakin ang tinutukoy nila. Tiningnan ko sila isat isa at mga mukha nga silang mga gangster na isa sa mga lalaki doon kanina. "B-Boss niyo yon?" tumango sila. "Nakita mo ba ang mukha niya?" natigilan ako at nagisip. Ibig sabihin, hindi sila sigurado kung nakita ko ang mukha ng boss nila o hindi? Dahil ayoko naman madamay sa ganitong sitwasyon itatanggi ko to. "Wait. Boss niyo siya, pero bakit hindi niyo alam ang mukha niya? Isa pa, alam niya bang ginagawa niyo to ngayon? I mean, anong klaseng tauhan ang hindi alam ang mukha ng boss nila."