Sa lahat ng sinabi ni Shin, isa lang masasabi ko. Ang galing niyang mangonsensya ng tao. Ilang beses pa siya bumuntong hininga sa harap ko na sobra naman ang epekto sakin. Kinakain ako ng konsensya ko. Dagdag mo pa yung mata niya na talaga na mang bagsak na bagsak na akala mo siya si Jin dahil sobrang lungkot. Napakagaling umarte. Bumuntong hininga siya. Pang trenta na niya yata yan. "Ano kayang pakiramdam ng isang iniwan?" parinig niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi. Inis ko siyang nilingon. "Ano kayang pakiramdam manulak ng isang maingay na lalaki sa umaandar na sasakyan?" umayos siya ng upo at sinaaman ako ng tingin. Nasa taxi kami papunta sa school. Nandoon si Jin para kunin daw ang diploma niya dahil nga hindi siya umattend ng graduation. May isang oras pa bago ang

