"WHAT DO YOU think, Mom?" Humarap siya sa ina matapos na ayusan siya ng make-up artist na binayaran ng ama. Ngayong araw ang nakatakdang kasal niya. Ngumiti ang ina nang makita ang kabuohan niya. "Wala akong ibang masabi kung hindi, ang ganda ganda mo anak." Hindi maikakaila ang amazement sa mukha ng ina habang sinusuyod siya. "Salamat, Mom!" Gusto niya itong yakapin pero hindi niya magawa. Dalawang linggo bago ang kasal niya ay umuwi ang ina niya para alalayan siya sa utos ng ama. "Masaya din ako para sa 'yo, anak." biglang garalgal na sabi ng ina niya. "Isa 'yan sa pangarap ko na hindi natupad." Napatitig siya sa ina. "K-Kay Daddy?" Tumango ang ina sabay ngiti sa kan'ya. "Mahal na mahal mo siya, gano'n?" "Mahal naman ako ng ama mo. Naging duwag lang siyang aminin sa lahat…" N