"NASAAN KA NGA?" giit na tanong ni Kristen sa asawa. Kanina pa siya naghihintay ng tawag nito. Hindi siya nito nasundo sa condo. May appointment pa naman sila kay Melissa ng alas-dos. Ala una na nang tumingin siya sa magarang orasan nila. "Malapit na, na baby. Traffic lang talaga." Mayamaya lang ay may sinend itong picture. Talaga ngang nasa kalsasa pa ito. Maraming sasakyan sa side nito na magkakadikit. "Okay. Tawagan mo ako kaagad. I love you, Daddy!" "I love you too, baby!" Narinig niya ang 'Mwa' nito sa kabilang linya kaya napangiti siya. Ipinagpatuloy na lang niya ang panonood ng KDrama. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala ang asawa. Simula nang bumalik ito ng Pilipinas, lagi itong nagse-send ng picture kapag nagtatanong siya kung nasaan ito. Natanong niya nga kung bakit