"SIGURADO KA BA talagang papatirahin mo ako sa bahay mo? Baka naman paggising ko nasa labas na ako ng pintuan niyan." Napabaling ang asawa sa kan'ya pagkarinig niyon. Natawa ito ng pilit. "I'm doing this for Jano. Ayokong masira ang tiwala niya kaya hindi kita papalayasin." Napaangat siya ng kilay. So, dahil sa kapatid niya. Napatitig siya dito habang nagmamaneho. "May relasyon ba kayo ng Kuya ko?" wala sa sariling tanong niya na ikinapreno nito bigla. Muntik na siyang mauntog kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Ayusin mo nga mga tanungan mo Kristen! God! Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki para sa kaalaman mo. Namimihasa ka na, a." Pinaandar ulit nito ang sasakyan kapagkuwan. Pero sinulyapan siya nito ng masama. "Eh, bakit ilag ka sa akin? Tapos sa Kuya ko hindi?" Saglit itong na