KAPWA SILA NATAWA nang tumunog ang tiyan ni Kristen habang nasa gitna sila ng maiinit na tagpo. Napilitan tuloy silang tapusin ang halikang iyon. "Let's eat first. Baka biglang maging dragon 'yang nasa tiyan mo, baby." Bahagya pa itong natawa Ngumiti pa si Dave sa kan'ya kapagkuwan. Buti hindi nito sinabi na istorbo. Para kasi sa kan'ya, istorbo. Nabitin siya sa pinagsaluhan nilang halik. Ilang taon din niyang pinangarap ulit na mahalikan ng dating asawa. "I think so," aniya. Pinangko siya nito kapagkuwan at masuyong pinaupo sa upuang nakalaan para sa kan'ya. "Thank you, Daddy." Matamis na ngumiti siya rito. "Welcome, Baby. Na-miss ko ng sobra ang endearment mo, lalo na ikaw mismo," "Ayiee! Nag-vibrate tuloy Daddy sa kilig," natatawang sambit niya na ikinakunot-noo nito. "Ano?"