"DADDY," gising niya sa asawa sabay yugyog sa braso nito. Tumingin siya sa orasan nila, mag-aalas-dos pa lang ng madaling-araw. "Hmmm," ani lang ng asawa. Mukhang antok pa talaga ito. "Puwede mo ba akong ikuha ng tubig? Nauuhaw ako," Napamulat ito nang marinig ang sinabi niya. "Bakit ako?" "Hindi ako makalakad, e," esplikan niya. Biglang natawa ito nang mapagtanto kung bakit hindi siya makalakad. "Masakit ba?" anito kapagkuwan. Tumango siya rito bilang tugon. Napalábi pa siya. Nakaramdam siya ng hiya kahit papaano. "Daddy!" sigaw niya rito nang bigla na lang nitong hinawakan ang maselang bahagi niya. Hinaplos pa nito kaya bahagya siyang umungol kahit na masakit. "s**t! Namamaga, baby!" hindi makapaniwalang sabi ni Dave kapagkuwan. Napaupo pa ito sabay kapa ng noo niya. "Masama