NAKANGITING BUMALING SI Kristen sa asawa matapos ng maiinit na tagpong iyon. Hindi niya akalaing magiging maganda ang araw niya ngayon. Ayaw mang aminin ng asawa attracted ito sa kan'ya. Aayaw-ayaw noon pero ngayon hindi na. Siguro, dahil sa pride? Basta na lang silang nag-jump sa ganito ng walang kasiguruhan. No, sigurado siya. Asawa niya ito, e. At ngayon lang din siya sumaya ng ganito. Baka, dahil sa séx. Gusto niya sanang itanong dito kung nasarapan sa kan'ya. Sige, baka bukas maitanong na niya. Tulog na tulog na din kasi ito. Nauna pa sa kan'ya. Baka nga totoong hindi niya ito pinatulog kasi. Mayamaya ay iginiya niya rin niya ang sariling pumikit. Nakaramdam siya ng pagod bigla. Niyakap niya ito kapagkuwan. Nagising siya, malapit ng dumilim ang paligid. Ang haba pala ng tulog niya