MULA NANG MAGKAUSAP sila ni Rowan, hindi na siya mapakali, at dalawang araw na nga ang nakalipas. Maghapong naka-off ang isang telepono niya kahapon. Hindi siya makatrabaho ng maayos, sa totoo lang. Para na naman siyang mabubuang kakaisip. Kailangan niyang makausap ang asawa pero pinanghihinaan siay ng loob. Masakit isipin, na totoo nga ang sinasabi ni Rowan sa kan'ya. Hindi dahil sa gusto nitong bumalik siya sa buhay nito. May ebidens'ya ng nakalatag, e. Solid. Hindi niya alam kung paano tatanungin ang asawa niya sa nakitang mga litrato. Kasama nga nito si Niana. Hindi niya alam kung sweet na bang matatawag ang magkatabi, at nakahawak sa beywang ng asawa ang babae. Ang nakapa-bother sa kan’ya, social media account ng babae ang sinend ni Rowan. Nandoon lahat ng litrato nito at naka-publi