TATLONG ARAW PA lang pero nalulumbay na siya. Umuuwi rin siya ng maaga dahil tamad na tamad siya sa trabaho. Nakaka-miss lang talaga ang asawa niya. Isa sa rason niya kung bakit maaga siya maagang umuuwi ‘yon ay dahil sa inaabangan niya ang paggising nito sa umaga. Kakatapos niya lang magbihis nang makita ang screen na umiilaw. Napangiti siya nang makita ang picture at pangalan ng asawa na nakarehistro sa screen. "Daddy!" masayang bati niya rito. Nakahiga pa ito sa higaan nito. Topless pero hindi niya kita ang kabuuhan nito. Alam niyang hindi ito natutulog na may damit. "Beautiful morning, baby!" bati nito sa namamaos na tinig. Nakapikit pa isang mata nito. Bigla nitong naimulat ang isa pang mata nang makitang inaayos niya ang damit. "Kakatapos mo lang magbihis, baby?" "Yep!" aniy