Chapter 21: EX

1340 Words

HINDI MAPIGILANG MAPANGITI ni Kristen sa asawa hanggang sa makauwi ng bahay ng mga ito. Halata pa rin kasing banas ito. Hindi na raw ito nagtaka kung paano nalamang naroon sila kasi iyon naman kasi ang tanging tambayan umano ng asawa kahit noong bata pa ito. Papasok na sila sa sala nang marinig ang mga halakhak. "F*ck!" mura ng asawa. Sa tingin niya nakilala kaagad nito ang mga boses na iyon. Tinig ng mga lalaki iyon. Hindi naman siya kinakabahan kasi nakilala na siya ng mga magulang ng asawa.  "There you are,"  ani ng isang matangkad na lalaki nang makita sila. Mabilis na tumayo ito at sinalubong silang mag-asawa. Nakipag-man-to-man ang asawa nang tuluyan silang makalapit sa lalaki. Hindi nito binibitawan ang kamay niya. Sumunod na tumayo ang katabi ng lalaki at binati din ang asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD