“HINDI PUWEDE, KRISTEN!” Napasimangot siya sa narinig. Padaskol din siyang naupo sa upuan nila. Inilinga niya ang paningin. Nakaka-miss ang simpleng bahay nila na ito. Walang kasambahay. Wala ang ama niya na malimit sumigaw, akala mo, eh nasa gitna ng giyera. Nakakalungkot lang dahil hindi nagpaiwan ang ina niya sa Cambridge. “Kuya naman! Anong gagawin ko dito sa bahay? Magta-tumbling? Hello, malakas pa ako. Dementia lang ‘yan. Saka may baon akong recorder at mga notebook.” Itinaas pa niya iyon na ikinailing nito. “Paano ako maglilibang kung dito lang ako sa bahay? Sinong kakausapin ko? Sarili ko? Eh ‘di, lalo akong mabaliw niyan?” Napaisip naman ang kapatid niya. Unfair din ng kapatid niya, e. Siya pinapa-stay sa bahay tapos ito, papasok na raw sa trabaho nito. “Okay. Fine! Ang tano