PAGKARINIG NI KRISTEN na sumara ang pintuan ng opisina ni Dave ay mabilis na umalis siya sa pinagtataguan. Hinatid ng asawa ang magulang nito sa labas. Sapo niya ang balakang nang pumasok si Dave. Natigilan siya nang marinig ang pag-lock ng pintuan. Nilingon niya iyon. Matalim na tingin ng asawa ang sumalubong sa kan'ya. Napalunok siya bigla. Kailangang lumabas na siya dahil paniguradong gaganti ito sa kan'ya. Bakit? Kasalanan ba niya? Hindi naman, a! Mabilis na inihakbang niya ang mga paa papuntang, umiba siya ng direksyon, 'yong hindi madadaanan ang asawa. Pero inisang hakbang lang nito ang pagitan nila. Hinaklit nito ang braso niya, dahilan para mapalapit siya rito. "D-Dave," aniya pero napasinghap siya nang hilahin siya nito papasok sa isang silid. Napaawang siya ng labi nang m