AKMANG TATANGGALIN NI Kristen ang panghuling butones ng damit ni Dave nang matigilan siya. Napaangat siya ng tingin sa asawa sabay linga ng paningin. Napakunot noo siya. Teka? Nasaan sila? Bakit sila magkasama ngayon ng asawa? “Anong ginagawa natin dito, Dave?” aniyang titig na titig na sa asawa. Gumalaw ang kilay nito na halatang nagtatakasa sa inakto niya. “Sabi mo kanina, ipasyal kita. Here we are, baby.” “Namamasyal pero heto nasa harap kita tapos ako hubo’t hubad!” Tinampal niya ang dibdib nito sa inis. "Tama ba 'yon?" Hindi pa nga sila bati tapos heto may pa-kidnap na namang nalalaman! “What the heck, baby! Okay na tayo kanina, ah!” Tumgil ang asawa niya at tumitig ito sa kan’ya. “Are you playing with me?” Natawa siya ng pagak. “Wow! Ako pa ngayon ang tatanungin mo niyan? As f