NAPALUNOK SI KRISTEN. Iba yata ang nasa isip niya nang mga sandaling iyon. Ang harder na sinasabi nito ay tungkol sa pagsiko niya. Hindi rin siya makakilos dahil sa higpit ng pagkakayakap nito. Green naman ang pumasok sa isipan niya. “Bitawan mo nga ako!” aniyang nagpumiglas pa rin. “I missed you.” Natigilan siya bigla sa sinabi ng asawa. Bigla na namang nag-vibrate ang baba niya dahil sa kilig. "Hoy, I missed you lang ang sinabi, self!" aniya sa sarili. "Please, bitawan mo ako. Inantok pa ako!" giit niya sa asawa na ikinatigil nito. Bumitiw ito sa kan'ya. Buti naman. Iba na naman kasi ang nararamdaman niya habang yakap ng asawa. Yeah. Na-miss niya rin ito. Pero hindi puwedeng yakap lang bumigay kaagad siya. Kaytagal niyang naging dalagang Pilipina bago naging marupok.Kaya niya