TUMIGIL SI KRISTEN sa paghakbang nang makitang papalapit ang asawa sa gawi ng exit door. Papalabas siya noon. Narito ba ito para sunduin na naman siya? Nag-iba siya ng direksyon pero alam niyang nakasunod ito ng tingin sa kan'ya. Malamang na susunod din ito sa kan'ya kahit saan siya magpunta kaya binilisan niya ang lakad. "Ma'am, kanina ka pa po hinihintay ng asawa niyo," ani ng guard sa kan'ya. Napatingin sa kan'ya ang ibang kasabayan. Itinaas niya ang kamay dito. "Wala akong asawa, Kuya. Tingnan mo, walang singsing." Kumunot ang noo ng asawa niya nang tingnan ito. Marahil, narinig siya nito. Bakit? Totoo naman, a. Hindi naman yata asawa ang tingin nito sa kan’ya. Binilisan niya ang lakad nang makakita ng taxi. Malapit na siya nang mapansing may papalapit na kasamahan, kaya inun