Max’s POV Maraming tawag na galing sa kanya ang hindi ko sinasagot at hindi mabilang na text na hindi ko na-replayan, isang araw ang makalipas, hindi ako nagparamdam, naging tahimik kami sa isa’t isa, ni hindi ko siya nakikita, siguro dahil hindi ako nagpapakita o hindi niya ako hinahanap. Mag-uuwian na naman na hindi ko siya kasama, totoo niyan na miss ko na siya at gusto ko siyang makausap, pero itong nararamdaman ko ang nangunguna, ‘yong inis ko sa kanya ang nangingibabaw. Paglabas ko ng gate, isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Napakuyom ang mga palad ko at nagtitimpi ako, bukas ang bintana ng kotse niya kaya kitang-kita ko siya, nakangisi at parang natutuwa pa sa nagkakaganito ako, si Ara. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako