Max’s POV Pati ‘yong panahon nakikiramay sa nararamdaman ko, simula nang makauwi ako sa bahay nawalan ako ng gana sa mga bagay na gagawin ko. Nakaupo ako sa harapan ng study table ko na malapit lang sa bintana, natanaw ko mula sa baba na may isang kotseng pumarada sa tapat ng bahay namin. Pinagmamasdan ko lang kong sino ‘yon, pero laking gulat ko na bumaba si Elven sa kotseng ‘yon, naroon din ‘yong mga barkada niya na para bang pinipigilan siya, napatayo ako sa kinauupuan ko, bigla kong naalala ‘yong asthma samantalang nagpapaulan siya. Naawa ako sa itsura niya na pilit siyang pinapapasok ng mga kaibigan niya sa loob ng kotse pero parang hindi siya nagpapapigil, parang nakaramdam ako ng lungkot, bakit naman kasi kailangan pang mangyari ‘to? Ang bigat