Max’s POV Hindi ata magandang plano ang umiwas kay Elven, nalulungkot ako, ngayon naman na lumalayu ako sa kanya gusto ko naman siyang hanapin at makita, gusto kong makita ang ngiti niya o kaya makipag-asaran sa kanya, parang masaya na ako sa ga’nung ikot ng buhay namin, nalilito pa rin ako sa nangyayari sa akin lalo na sa nararamdaman ko. Gusto kong magtanong, kaso sino naman ang may kapareho kong kalagayan, edi sana madali lang maghanap ng sagot, mahirap din palang maghanap ng taong pagtatanungan sa bagay na ‘to, parang ang baduy. Nakatambay ako ngayon sa the Blooms office, habang sinasalo ng dalawa kong kamay ang ulo ko, ang tamlay na naman ng araw ko, ni ayaw kong mag-snack, ang bigat ng katawan ko na parang wala akong gana. “Max,” si