Regina POV Bullshi*t! Anong nangyayari? Naiirita na ako dito kay Leslie lakad-takbo na ang ginagawa namin mula paglabas namin ng gate ng University. Ang nakakainis lang kapag tinanong mo siya anong nangyayari. She only shrugged and continued running. Tang*na! Kung nagkotse nalang kaya kami? Sana nakarating na kami hindi iyong pinapasakit pa niya mga paa naming hindi ko alam kung nabobo na siya o sadyang nakalimutan lang niya na may tinatawag na sasakyan? Nilalakad at takbo namin ngayon ang malapad na sementadong daan ito ngayon hindi lang kami ang tumatakbo papunta sa iisang direksyon. Nakikita ko din ang mga tsismosa na University nasa unahan namin si Leslie at parang balisang-balisa. "Gash! Leslie, saan ba tayo pupunta? Amputs, ang sakit na ng paa ko." Reklamo ni Emerald sa kanya.

