Nagising akong may ngiti sa aking labi. I feel so ligh and contented. Niyakap ko ng mahigpit ang katabi kong unan pero napansin kong matigas ito at mainit din. Kinapa ko gamit ang kamay ko ang unan na yakap ko ngayon, kung unan pa nga ba siyang matatawag, hanggang sa nakarinig ako ng mahihinang tawa. Tawa? Napamulat ako ng napatingin sa aking tabi at doon nakita ang gwapong mukha ni Alejandro. "Good morning, wife." Dumukwang ito at humalik sa labi ko. Wait.. Crap. Nakalimutan ko ang nangyari kahapon. "How's your sleep?" Tanong niya. Totoo? Hindi panaginip ang nangyari kahapon? Nagpakilala talaga ako bilang ako? "Masakit pa ba?" Tanong niya. Nangunot naman ang aking noo sa tanong niya. Anong masakit? Napatingin ako sa katawan niya at sa katawan ko at nanlaki ang aking mga mata. Sini