"Are you sure?" Tumango ako kay Alejandro. Pang-ilang beses na niyang naitanong ang tanong na iyan. "Hindi mo na talaga kailangan ng kasama?" Tanong niyang muli. Maggogrocery lamang ako at bibili ng gamot para sa dalawa. "Yeah, alagaan mo na lamang ang dalawang bata." May LBM ang dalawang bata kaya hindi ko siya maisasama. "Ipagawa mo na yan sa mga katulong—" "Wala tayong katulong ngayon." Totoo. Sunday ngayon at dayoff lahat ng katulong. "Let me ask my friends—" "Joseph Alejandro Marquez." I called out his name. Is he paranoid? Mabilis lang naman ako at hindi magtatagal. Nagkataon lang talaga na wala na kaming stock ng pagkain at kung hindi ako mamimili, wala kaming kakainin. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. "I'm just worried." He sighed. "Fine, pero wag kan