“Ilang araw ba tayo sa farm, Ezekiel? May trabahong naghihintay sa akin. Hindi ako kagaya niyo, na kahit hindi pumasok ay may kinikita pa rin. Magkaiba tayo. Magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. Hindi puwedeng ganito,” aniyang pinameywangan ito. Kanina pa niya ito kinukulit na payagan na siyang umuwi. Pero ayaw nito. Parang bang takot na takasan. Nasa sarili naman nito kung gusto nitong sumama ng Caramoan. Kahapon, maghapon ito sa tabi niya. Paano, nahuli siya nitong bumaba ng condo nito. Wala lang, kinokompirma lang niya kung bawal ba siyang lumabas ng building. Talaga nga, hindi siya puwedeng lumabas na hindi kasama ang binata. Tumawag pa ang guard sa mismong telepono ng binata. Maghapon siya nitong binantayan. Parang hindi rin ito natulog dahil sa takot na baka paggising ay wala na