Naiwan siyang natigilan. Kinapa niya ang labing namamasa. Sinundan niya ng tingin ang binata. Papunta itong pintuan. Ini-lock nito ang pintuan na nakaawang lang pala. Bumalik ito na nakatitig sa kan’ya. “What would you like to eat?” anito ng hapitin ang beywang niya. Napahawak lang siya sa dibdib nito. "I-I'm full," aniyang nauutal pa. Bumaba ang tingin nito sa labi niya. “Oh, ako kasi hindi pa kumakain dahil mas inuna kang hanapin. Can you cook for me, please? I just missed the old times,” “Okay,” aniya at tinulak ito ng bahagya para maglayo ang katawan nila. Akala niya ay bibitaw na ito pero nagulat siya nang hapitin siya nito at mapusok na hinalikan sa labi. Napakapit siya sa damit nito nang matagumpay nitong mapasok ang loob niya. Walang pinalampas itong sulok ng bibig niya