Tinotoo nga ni Ezekiel ang sinabi nitong babalik kinabukasn. May dala-dala na naman itong bulaklak at chocolate. Kakauwi niya lang noon mula sa hotel. “Anong ginagawa mo dito?” aniya sa masungit na himig. “Nanliligaw,” nakangiting sabi nito. Napabuntong-hininga siya. “Alam ba ‘yan ni Athena? Gusto mo ba na tawagan ko siya?” Kinuha niya ang telepono niya sa bulsa. Hindi naman niya alam ang social media account nito. Sinabi niya lang para matauhan ito. “Darating ang nobyo ko, kaya umalis ka na,” “Ayoko. Ilang buwan ng hindi nagpaparamdam si Athena,” anito sa seryosong mukha. Napatitig siya dito. Hindi niya makitaan ng lungkot ang mukha nito kagaya noong iwan ito ng nobya nito. “Oh… Kaya ba ako ang ini-istorbo mo?” “No. I’m serious here, Diane. Ano bang gagawin ko para maniwala ka? I