7 months later... "Ano ba, Ezekiel! Bilisan mo at manganganak na si Dana!" sigaw niya sa asawa. Kasalukuyan itong nagda-drive patungo sa ospital kung saan nagtatrabaho si Nikki. Galing silang mag-asawa sa Nueva Ecija. Nagmamadaling lumuwas sila ng tawagan siya ng Tita niya na manganganak na daw si Dana. "Kalma lang, wife, okay? Malakas ang kapatid mo, remember?" nakangiting sabi nito sa kan'ya. "Paano ako kakalma, e ang pangako ko sa kan'ya, nasa tabi niya ako kapag nanganak siya! God! Napakapabaya ko talagang kapatid! Wala pang kuwenta! Paano kung may mangyaring masama sa kan’ya, huh? Kaya nagkanda-letse-letse ang buhay ng kapatid ko dahil sa kapabayaan ko!" hindi niya mapigilang mapaiyak pagkatapos sabihin iyon. "Love naman... ‘Wag ka ngang nega, d’yan. Dapat tatagan mo ang loob m