Matagal siya bago nakapagsalita. Parang ayaw i-digest ng utak niya ang mga sinabi ni Athena pero ang dibdib niya nag-uunahan na sa pagtaas baba. "Sige, saglit at gigisingin ko lang si Ezekiel." "Thank you." Nanghihinang humawak siya sa doorknob. Napatingin siya sa kamaong nanginginig. Hindi niya alam kung galit ba, o gulat dahil sa narinig. Tiningnan niya ulit ang telepono. Wala na sa linya si Athena. Kaya pala mabilis pa sa alas-kuwatro kung magpaalam si Ezekiel sa kan'ya. Ngayon lang nag-sync-in sa utak niya ang lahat ng atensyong naibigay ng asawa kay Yohann, simula't-sapul. Ngayon niya naintindihan ng lubos kung bakit ito nagtagal ng ilang linggo sa France noong sunduin nito si Athena. At mas lalong naintindihan niya ang ibang sayang nararamdaman nito habang nagkukuwento tungkol s