Nakalabas na lahat-lahat si Yohann pero dumadalaw pa rin si Ezekiel sa anak nito. Walang araw na hindi ito dumadalaw. Naging scam ang sinabi nito sa kan'ya na, 'I'm all yours'. Wala itong ginawa kung hindi pumunta sa bahay ni Athena at magdala ng mga pasalubong. No choice siya. Nagpapalipas siya ng maghapon kay Maliyah. Siya na ang nagbabantay at nagpapadede dito. 'Yong dapat na araw ng pahinga nilang mag-asawa ay naging busy day. Halos wala ng time sa kan'ya si Ezekiel. At masama ang loob niya sa asawa hanggang ngayon. Para siyang sinampal nito noong nakaraan. Sinubukan lang naman niyang lambingin ito. Na-miss lang kasi niya ang maharot na asawa niya. Ang Ezekiel na minahal niya. Ang Ezekiel na tinanggap niya at pinapasok sa buhay niya. Sa gabi, sa ZL Lounge siya pumupunta o 'di kaya