"Ma'am, nand'yan na po ang delivery ng mga alak. Na kay Ma'am Kendra na po ang DR," anunsyo ni Jay, isa sa bar tender nila sa bar. "Okay. Thanks, Jay!" Ngumiti sa kan'ya ang binata at umalis din kaagad. Kinuha niya ang ballpen sa pen holder niya at lumabas na din. Hindi pa man siya nakakalayo ng makasalubong ang isang staff na may dalang bulaklak. "Ma'am, para po sainyo. Galing kay sir Ezekiel," nakangiting salubong nito sa kan'ya. "Palagay na lang po sa mesa," nakangiting sambit niya ng matapos amuyin iyon. "May ire-receive lang kami." Tumango naman ito at naglakad papunta sa opisina niya. Hindi niya mapigilang mapangiti. Walang palta ang binata sa pagpapadala ng bulaklak. Mabilis na tinungo niya ang elevator at nagmadaling pumasok. Napakunot-noo siya ng salubungin siya sa ground