"Ezekiel!" Napasigaw siya ng biglang kumulog at kumidlat ng malakas kasabay niyon ang pagkamatay ng ilaw. Mahigit dalawang oras na, matapos ang maiinit nilang tagpo. Naramdaman niya ang pagyakap sa kan'ya ng binata mula sa likod. "Shhh... I'm here," anas ng binata sa kan'ya. Nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman ang katawan nito. Itong panahon na ito ang isa sa pinakaayaw niya. Dinig na dinig niya ang malalakas na ihip ng hangin kasabay ng ulan. Napapikit siya ng maalala ang magulang. Namatay ang mga ito, na ganito din ang panahon. Para na namang dinudurog ang puso niya. Napaka-agang kinuha ang kan'yang magulang. Buti na lang nakaya niya ang responsibilidad sa mga kapatid. Hindi man niya kayang higitan ang pagmamahal ng ina at ama sa mga kapatid, naibibigay naman niya ang mga pangan