KABANATA 16: UMIWAS ako ng tingin. Hindi ko kinaya ang intensidad ng mga mata ni Daniel. Sa paraan ng kanyang mga tingin ay para niya na kong kakainin. Mas lalo akong kinabahan. Pinagpapawisan ng malapot. Amoy na amoy ko ang mamahaling shampoo at sabon na gamit niya. Nahigit ko ang hininga at may kung ano akong nararamdaman na hindi pamilyar sa akin. May dumaan na ideya sa aking isip pero agad ko iyong inalis at iinignora. "Hindi ka sasama," mariin nitong sabi. Nilagpasan ako. Binunggo pa ko ng saklay niya kaya napadaing ako sa sakit ng tumama iyon sa balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Nilingon niya ako at hindi ko alam kung namamalik-mata ba ko sa biglang pagdaan ng pagaalala sa kanyang mga mata. Sa sobrang bilis pakiramdam ko imahinasyon ko na lang iyon. "Suskong bata ito! Danie